20

80 5 0
                                    

Chapter 20: Knowing about the past is painful.

JARED'S POV

Padampi na ang labi ni Xiu sa aking labi nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone dahilan para matigil siya sa kalagitnaan.

But I'm surprised when he's not doing anything. That's only when I reealized it's not his but is mine's which is ringing.

Nang kunin ko na ang cellphone ko, lumabas sa screen ang pangalan ni Carren.

"Hello?"

"Hello, Jared!" Masigla nitong bati.

Agad kaming nagkalas ni Xiu matapos. Nagkahiyaan na kami at hindi makatingin ng diretso sa isa't isa. At tila naiilang pa siya kung anong sunod na gagawin.

Lumayo muna ako sa kaniya.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

Biglang tumahimik sa linya niya.

Lumabas muna ako ng bahay para makapag-focus.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga niya. Hanggang sa natanong ko, "Ayos lang ba ang lahat?"

Agad-agad siyang sumagot. "O-oo naman. B-bakit naman hindi? I just want to escape dito. Can I crash there for tonight?"

"Oo naman. You are always welcome dito."

"Sige. Magtataxi na ako papunta riyan."

"Wait. Sasabihan ko si Xiu na sunduin ka."

"No. Huwag. Huwag please."

Napakunot ang noo ko.

Binaba ko ang tawag at pumasok sa loob ng bahay. Dahil ang hirap naman siguro kung pumasok ako sa labas ng bahay, 'no? Just kidding! O my god! I can't believe I drop that old rusty joke.

Nadatnan ko si Xiu sa sala sa kaniyang cellphone. "Xiu?" Tawag ko rito.

Tumingala siya, kapansin-pansin pa rin ang awkwardness sa pagitan namin.

"Pupunta si Carren dito. Makikitulog. Puwede mo ba siyang sunduin? Please."

Tumayo siya at ngumiti. "Of course."

Kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse at agad ding umalis para sunduin si Carren. I'm quite worried kasi. There's something weird kay Carren.

She always spent the night sa ospital noon. At kapag sa tuwing uuwi o maghihiwalay kami, parang ayaw na niyang umalis. But she had to dahil nga may klase siya.

I was lost in my own world nang marinig ko ang doorbell. I shot my head up to check the clock. It's already 1:46 in the morning. Ganoon na lang siguro ang malalim kong pag-iisip na hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.

I have to observe her. I have to know the truth tonight.

Agad ko silang pinatuloy.

Tiningnan ko siyang mabuti ngunit mainit ko pa rin siyang tinanggap. At ang unang tanong ko pa sa kaniya pagkakita ay, "Is everything okay?"

Tila naiilang siyang tumingin mula kay Xiu tapos ay sa akin, "Oo. Bakit?" Natatawa pa niyang tugon.

Tila ako nalutang sa moment na 'yun so I snapped out of my thoughts again at sumagot, "Wala naman. Gabi na rin kasi e. Akala ko may masamang nangyari sa'yo."

Hinawakan niya ang braso kaya tiningnan ko iyon tapos ay tumingin sa kaniya, "Naisip ko kasi Saturday naman kasi bukas kaya sayang naman kung sa bahay lang ako this weekend. Baka mabaliw na ako."

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon