15

74 4 0
                                    

Chapter 15: 1, 2, 3, 4, 5, I Love You

"Jared, I need to go home tonight. May practical exam kami bukas." Paalam ni Xiu kay Jared.

Tumango lang si Jared.

Tila tinusok si Xiu sa ikinilos ni Jared. Ngunit wala siyang magawa dahil hindi rin naman siya puwedeng magalit dito.

Hindi alam ni Jared na kasintahan niya si Xiu.

Wala siyang panghahawakan.

"Ako rin, Jared! Hindi ako makakasama muna ngayon." Maging si Carren ay nagpaalam din.

Napukaw noon ang atensyon ni Jared. Tinapunan niya ng tingin si Carren at nagpaawa rito. "Pati ba naman ikaw iiwanan ako?"

"Gago! May buhay din ako. Kung gusto mo, bukas na lang. Saturday naman sa isang araw. Puwede akong mag-stay dito." Kinuha na ni Carren ang bag sa sofa at isinukbit ito sa kaniyang balikat.

Pinagmamasdan lang ni Xiu ang pag-uusap ng dalawa. Laking hiling niya na sana ay bigyan din siya ng full attention tulad ng ginawa nito kay Carren.

Nagkunwari siyang umubo para putulin ang pag-uusap ng dalawa. "Ah, sige, Jared. Babalik din naman ako bukas. Bukas na lang."

"Iiihhhh! Hanggang ngayon lang ang promo nila." Pangungulit pa ni Jared na pilit inaabot ang braso kay Carren sa pagmamakaaawa.

"Sige na. Sige na. Aalis na ako. Bukas na lang. Bye!" Pamamaalam ni Carren.

Saktong bumukas ang pinto.

"Tita, alis na po kami." Pagpapaalam ni Xiu kay Peony na kakapasok lang.

"Sige, 'nak. Kumain na ba kayo?" Tanong nito kay Xiu.

Ngumiti naman ng abot-tainga si Xiu. "Opo. Okay na. Balik na lang po kami bukas."

"Sige." Si Peony.

Nang makalabas na ang dalawa ay sinabihan na ni Peony si Jared na matulog. Ngunit nagmatigas ito at sinabing, "Ma, punta tayo sa café sa ibaba. Gusto kong kumain ng donut at pink milk!"

Mistulang bata si Jared sa pagmamakaawa. Namimilog pa at kumikinang ang mga mata nito. Naka-pout ng bahagya ang labi.

"Nasa lahi natin ang diabetes, Jared. Hindi ako puwede sa gaanong matatamis."

"Pffttt!" Buntong-hininga ni Jared. "Si Ian! Hihintayin ko na lang si Ian."

Tila natigilan si Peony.

Hindi siya makaimik. "Ah, eh, hindi muna makakadalaw si Ian pansamantala." Pagdadahilan ni Peony na napakamot pa ng ulo.

"Huh?" Gulat na tugon ni Jared.

"He has some errands to run. Alam mo na. Mag-isa lang siya buhay. Kaya wala siyang ibang maaasahan kung hindi siya lang."

Nadismaya si Jared sa nalaman. Ngayon ay wala siyang kaibigang kasama roon. Nalungkot tuloy siya at pumaling sa kaliwa para humiga.

"Are you okay?" Paninigurado ni Peony sa anak. Hindi naman umimik si Jared at nanatili lamang nakatalikod kay Peony.

Nakaharap si Jared sa salamin. Pinapanood ang kalangitan nang biglang bumagsak ang ulan.

Hindi niya magawang masabi sa anak niya ang tungkol kay Ian. As much as possibke ayaw na rin niyang ipaalala rito ang nakaraan ni Jared at Ian. Ang naging relasyon nila dati. Masama na ba siyang tao kung nagpapasalamat siya at nangyari kay Jared ang aksidente dahilan para makalimutan nito ang mga mapapait niyang ala-ala? She just wanted what's good for her son.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon