25

75 3 2
                                    

Chapter 25: For The Rescue

"Is something bothering you," tanong ni Robert, "..anak?"

Kanina pa kasi tahimik si Jared. At isa pa, hindi niya alam kung kelan siya masasanay na tawagin siya ni Robert na anak.

But, trust him, it was music to his ears.

It is a 20-minute drive to the university.

"Nothing." Imbes na sabihin ang nasa saloobin, pinili na lang niyang itago iyon... sa ngayon.

Hindi nagtagal ay dumatal sila sa gate ng university, "Sir, I.D niyo po?" Magalang na tanong ng guard.

Nang ibaba ni Robert ang salamin, agad na napansin ng guard kung sino ang driver ng sasakyang iyon. "Sir Robert! Kumusta na ho kayo?" Sobrang na-excite ito.

Hindi nito malaman kung saan dudukutin ang cellphone. "Sir, baka puwede namang pa-selfie."

Tumango si Robert at magiliw na ngumiti sa harap ng kamera kasama ang driver. "Salamat, sir. Pasok na ho kayo."

Walang kahirap-hirap kay Robert ang mga bagay tulad noon. Dahil na rin sa nakakakabit sa kaniyang pangalan ang kasikatan. Ngunit kahit na ganoon ang sitwasyon, pinili niyang huwag sabihin sa anak ang kaniyang pagkakakilanlan sa showbiz. Kaya ngayon ay nagtataka si Jared sa inasta ng guard kanina.

Bumaba si Jared ng kotse, sumunod naman si Robert sa kabilang pinto.

Isinukbit niya ang kaniyang bag sa balikat at magpapaalam na sana sa ama nang biglang nagkaroon ng kumpulan ng tao.

Tiningnan niya iyon. Sino bang pinagkakaguluhan ng mga 'to?

"Huwag mo na silang pansinin, 'nak. Mag-aral ka ng mabuti." Robert spreads his arms in invitation for Jared to come hug him. Na tinanggap naman ni Jared.

"Salamat, pa." Sabi ni Jared.

"Good luck, our future Electronics Engineer!" Pahabol pa na sigaw ni Robert nang maglakad na si Jared patungo sa Engineering Building.

Kumaway si Jared sa huling pagkakataon. Nginitian ang ama at nagpatuloy na sa paglalakad.

Room 102

Nasa ground floor ang room kaya hindi na naging mahaba ang pagtahak niya sa daan.

Naging mabilis ang pagkalat ng balita tungkol kay Jared at Robert. Ipinamalita ang pagtawag ni Robert kay Jared na anak. Ikinagulat ito ng halos lahat ngunit para sa iba, ito ay magiging katatawanan.

Tulad na lang ngayon, pumasok si Jared sa classroom nila para sa kaniyang klase na Integral Calculus. Nasa unahan ang kaniyang kaklase na si Deo.

Deo serves as a comedic relief sa kanilang classroom. Jared and Deo are very different in so many ways. Given to Deo that he's way funnier than Jared. Lagi ito ang paborito ng mga guro dahil mabilis itong makilala dahil sa personalidad nito. Ito na rin ang nagsilbing class representative nila.

But not because they are different in many ways doesn't mean they don't have similarities. One similarity to be exact. And that is Deo is also gay.

He likes to be the center of attraction. He cracks jokes even at the most serious given situation. And he can be mean too.

"Hi, Jared!" Bati nito sa kaniya.

"Hi!" Ang friendly din na bati ni Jared kay Deo na nakaupo sa desk ng teacher.

"Uy, guys, may i-she-share ako." Nagpatuloy sa pagdaldal si Deo sa mga kaklase nila habang si Jared naman ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang upuan- sa likuran.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon