29

86 4 0
                                    

Chapter 29: What did Jared Gasson do?

"Jared is an unsolved puzzle. He feels like he is incomplete because he has lost his pieces."

"You mean his memories?"

"Right before his memory loss, he was already an unsolved puzzle finding someone to fill the void in him. But it just leads him to more struggles as the pieces he put don't fit right in."

Sila Carren at Robert na lang ang natitira sa kotse ngayon. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Kaya para matakpan ang katahimikang iyon, binuksan ni Robert ang radio para magpatugtog.

"Can I ask you a question?" Seryosong tanong ni Carren na nasa backseat ng kotse.

"Of course." Magiliw na pagkakasabi ni Robert sa kaibigan ng anak.

"Anak niyo po ba si Ian?" Biglang napapreno si Robert dahilan para parehas sila halos mauntog sa unahan ng kanilang inuupuan. Nagulat si Robert sa tinanong ni Carren.

Hinahabol nito ang kaniyang hininga. At saka tiningnan niya si Carren sa rear view mirror.

Hindi sinagot ni Robert ang katanungan ni Carren hanggang sa maibaba na niya ito sa university. Naiilang pang nagpaalam si Carren kay Robert. Napapaisip tuloy siya ngayon na dapat hindi na lang siya nagtanong.

Pumasok siya ng eskuwelahan.

Kakatapos lang ng klase ni Jared nang tumunog ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Kinuha niya iyon at lumabas sa screen ay ang kaniyang ina.

"Ma, napatawag ka?"

"Uhmmm." Napansin ni Jared na tila natatagalan ang kaniyang ina sa pagsasalita. "W-wala naman. Gusto lang kita kumustahin. Okay ka lang ba?"

"Okay lang naman po."

"Good."

"Wala na po ba kayo-"

"Sorry nak." Napahinto sa paglalakad si Jared. "Sana mapatawad mo si mama. Alam kong ako ang sinisisi mo dahil hinayaan ko ang lahat ng ito na mangyari."

This is not the perfect time for drama. Jared is in the middle of a crowd of people finding their way out of the building.

Sa sobrang lakas ng ingay ng mga tao sa paligid niya, hindi na niya marinig ang sunod na sinabi ng kaniyang ina. "Ma, wait. Sorry. Lalabas na ako. Bye!" At saka niya binaba ang tawag.

Nang makalabas na ng tuluyan si Jared sa building at mas naging presko na ang pakiramdam dahil sa hanging umiihip ngayon, binuksan niya muli ang phone niya.

From: Mama
I want you to meet someone after class. Are you available?

Nagreply siya.

"Anong oras po ba?"

Tumunog muli ang cellphone niya.

From: Mama
Around 5 P.M.

Hindi na nagreply si Jared doon. Dumiretso na siya patungo sa cafeteria ng faculty nila dala ang dalawang Engineering books sa kaniyang kamay. Lunch na nila.

Magulo pa rin ang isip niya sa imbitasyong natanggap niya. Hindi iyon basta imbitasyon ng kasal o kaarawan ng sinuman. Imbitasyon iyon mula sa lalaking minsan na niyang minahal.

We are glad to invite you to the christening reception of our child Jaid Yuan Vicedo this Saturday, 6 P.M. in Orchards Golf Club, Filsen.

Napailing na naman siya ngayong nakapila na siya sa isa sa mga stalls ng pagkain. Sinubukan niyang makalimutan ang imbitasyon pansamantala ngunit paulit-ulit itong pumapasok sa kaniyang isip. Hindi siya makapagconcentrate.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon