Chapter 21: Carren Rodriguez and her identity.
Days have passed yet the emotiness I feel still do not wear out. And I feel like it gets worse and worse everytime.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Nakahiga ako sa kama at nakatulala lang sa kisame. Magulo ang takbo ng isip ko at madalas ay distracted sa halos lahat ng ginagawa.
Bumukas ang pinto nang hindi ako tumayo para buksan iyon. Iniluwa niyon si mama na halata ang pag-aalala sa mukha.
Tumayo siya sa tabi ko at tiningnan ako pababa.
"Jared, anak?" Bakas sa tono ang pag-aalalang tawag sa akin.
Hindi ako sumagot.
Hanggang sa tumabi siya sa akin.
"Ayos lang kung ayaw mong sabihin kung anong nagpapagulo sa isip mo. But you cannot keep it forever. I'm worried because what makes you thinking right now endlessly is causing you to neglect your health."
Tumingin ako sa kaniya, parehas na kilay ay nakakurba sa pagtataka.
"What I am just trying to say is... if it is unhealthy for you in all aspects.... then maybe he isn't the one."
My eyes wavered at her words.
That made me question myself of how much my mom knew me more than I know myself. Since the day I forgotten all my memories, all I treasure right now is the emotions.
Because I believe that my heart never forgets. And that always proved my belief everytime I see Ian.
Umupo si mama mula sa pagkakahiga sa tabi ko. "Handa na ang tanghalian. Just go down if you feel like it."
I gave her a tasteless smile.
Lumabas na siya ng kuwarto ko.
Kapagkuwan ay bumaba rin si Jared upang kumain. Nagalak ang puso ni Peony sa inasal ng anak. Kaya agad-agad nitong sinandukan ang anak.
Inaliw-aliw niya ito para mawala ang pag-iisip nito, upang madistract ito kahit pa paano.
Nang akala niya ay tumatalab na ang kaniyang ginagawa ay binitawan naman ni Jared ang mga kubyertos. Hindi nito naubos ang pagkain dahil sa katotohanan ay pinipilit lang nito kumain kahit tila wala siyang nalalasahan at wala siyang gana.
Walang sali-salitang itong tumayo mula sa hapagkainan.
Napa-awang na lang ang bibig ni Peony sa pagkabigla. Sinundan niya ng tingin ang anak ngunit wala na siyang sinabi.
Niligpit niya ang pinagkainan ng anak at saka ay agad hinugasan ito.
Gusto man niyang sabihin ang lahat... ang katotohanan kung bakit hindi puwedeng maging sila ni Ian ay hindi puwede. Pinayuhan siya ng doctor na hayaan ang anak na tumuklas ng mga ala-ala nito dahil kung bigla itong ibubunyag ay baka magtrigger ng kung ano sa utak ni Jared.
Napabuntong-hininga na lang siya. She feels so helpless.
"Carren!" Ang masiglang tawag ni Jared sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag niya.
"O, vev, bakit?" Medyo maingay pa sa background ni Carren dahil sa mga estudyanteng nasa paligid.
"Uwian mo na?"
"Hindi pa. Mga five P.M. pa."
"Uhmmmm." Nilaro pa ni Jared ang kaniyang mga daliri dahil nahihiya siyang humingi ng pabor kay Carren. "P-puwede mo ba akong samahan?"
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...