4

176 6 0
                                    

Chapter 4: A Bad Habit reawakens.

"Pre. Puwede ba tayong mag-usap?" Iyon ang sinabi ni Xiu nang makahanap ng pagkakataon dahil lumabas si Ian mula sa kuwarto.

Medyo nagitla si Ian. Hindi dahil sa request ni Xiu kundi sa dahilan kung bakit ito nandito ngayon.

Nagugulumihanan man, tumango na lang siya. "Okay."

Dinala ni Xiu si Ian sa rooftop ng ospital. Agad na humampas ang malakas at malamig na hangin.

Naglakad sila patungo sa railings ng building at doon ay parehas na sumandal.

Hindi alam ni Xiu kung paano sisimulan ang usapan. Nakailang tingin pa nga siya sa sapatos niya. Naging kaibigan din niya kasi itong si Ian. Pero siyempre alam naman niyang may pagkakamali siya dahil nag-cross siya ng boundaries noong may nangyari sa kanila ni Jared gabi ng birthday ni Ian.

Pero dumating ang pagkakataon na hindi niya inaasahang dadating, at 'yun ay ang maging single si Jared. Hindi niya ito binigla ngunit unti-unti siyang nanligaw.

"Tungkol kay Jared...." nagsimula na si Xiu. Napakunot noo si Ian at lumingon sa katabi. "...Puwede bang layuan mo siya?"

Diniretsa na ni Xiu si Ian.

Ngunit nandoon pa rin ang pagtataka ni Ian sa pangyayari. "I don't get why your tone's like that. Hey, man. You know Jared was my boyfriend, right?"

Nanlisik ang mata ni Xiu kay Ian. "Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?"

Naguguluhan si Ian sa inaasal ni Xiu.

"Man, why are you upset suddenly?" Tatapikin pa sana nito si Xiu sa likod ngunit agad itong umiwas.

"Huwag mo akong ma-man-man diyan." Tumayo siya sa harap ni Ian. "Leave Jared alone. You understand me? English na 'yan, baka hindi mo pa 'ko maintindihan!"

Tumalikod si Ian kay Xiu at hinarap ang view ng napakadaming buildings. "I really don't understand. I'm sorry. I want to be with Jared again. I guess this is the perfect timing, now that I found him already."

Pinilit ni Xiu na paharapin si Ian. Pagharap na pagharap ay dinuraan niya ito.

Nagulat si Ian at agad umamba ng suntok. "Sige, puta, subukan mo!" Pananakot pa ni Xiu kay Ian. "I will do anything.... anything.... para maging akin lang si Jared!"

Tila napako si Ian sa rebelasyon ni Xiu. "You and Jared are together?"

Ngumisi si Xiu, binitawan ang ipinangsalag na braso.

Naglakad patungo sa pinto si Xiu, napatigil nang may maalalang sasabihin, "At saka.... pretend as his boyfriend.." lumingon siya kay Ian, "... for the mean while."

Tiim-bagang niyang nilisan ang rooftop. Naiwan si Ian na hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nasasaktan siya sa mga oras na iyon dahil ibig-sabihin lamang niyon ay wala na siyang pag-asa kay Jared.

Kaya napatingala na lang siya at napabuntong-hininga.

•••

"No, hindi natin sasabihin sa kaniya!" Napasigaw si Peony sa suhestiyon ni Xiu na sabihin kay Jared ang katotohanan.

"Pero I think that's a good point, tita." Si Carren na nakisali na sa usapan. Nasa silid pa rin sila ng ospital. Tulog si Jared ng oras na iyon.

"No!" Si Peony na muling nag-disagree.

Tumungo si Xiu sa pagkadismaya. Hindi naman kasi masama ang intensiyon niya sa plano niya. Ganon na lamang kasi ang pagmamahal niya kay Jared. Natatakot siyang anumang gawin ni Ian ay bibigay agad si Jared.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon