23

74 4 0
                                    

Chapter 23: The Reunion

Nagmadaling lumabas ng kanilang tahanan si Jared. Malakas ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay may nangyari nang masama.

Agad siyang pumara ng taxi.

"Sir, sa police station po."

Hanggang sa loob ng taxi ay kinakabahan siya. Hindi siya mapalagay. Lumilipad ang isip. Kahit nakaistatwa lang siya habang nakatulala sa hangin, ang isip naman niya ay walang kaayusan.

Ano na kaya ang nangyari sa kaniyang ina?

Baka may nangyaring masama rito.

Hindi nagtagal ay tumigil ang taxi. Naramdaman iyon ni Jared kaya bumalik siya agad sa ulirat niya. Ngunit napansin niya na wala pa sila sa police station.

"Ay, gago!" Narinig niya na nagmura ang driver. Hinampas pa nito ang manibela sa init mg ulo.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Ano pong nangyari?"

"Nasiraan tayo, 'toy."

"Toy?" Doon siya mas nagulat.

"Malapit na ang police station mula rito. Tatawag muna ako ng mekaniko." Nang sabihin iyon ng driver ay naalala niya agad ang kaniyang ina.

Dumukot siya ng ibabayad sa driver. Inabot ito at nagmadaling lumabas. Kumaripas ito ng takbo. Tila nawawalang bata na naghananap ng ina.

Dahil pa sa sobrang pagkabahala nito ay nang matanaw na ni Jared ang istasyon, nagsisisigaw na siya.

"MAAAAAAAAA!"

Nagising tuloy ang isang pulis na natutulog sa ilalim ng puno.

"MAAAAAAAAA!" Para tuloy siyang si Sisa na hinahanap si Crispin at Basilio.

Narinig ni Peony ang nababahalang boses ng anak. Kaya napatayo siya sa kinauupuan. Lumabas ito at sinalubong ang anak.

"Anong nangyayari?" Nag-aalang tanong niya. Nagyakap silang dalawa nang magkalapit.

Tila matagal itong nawalay.

"Ma!!!" Humagulgol sa iyak si Jared habang nakasiksik ang ulo sa leeg ng ina.

"Bakit?"

"Kung eto man ang huling pagkakataon na makikita kita sa outside world, lagi kang mag-iingat ha. Huwag mong papabayaan ang sarili mo."

"Hoy, gag*! Hindi ako makukulong." Paliwanag ni Peony kay Jared.

Lumiwanag ang napa-angat na mukha ni Jared nang marinig iyon. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at bigla-bigla na lang tumawa.

"Akala ko kasi nakabangga ka na ng aso e."

Natigilan si Peony sa sinambit ni Jared. "Jared, anak. Alam mo ba kung bakit ka nandito?"

"Papagangbang mo ako sa mga pulis?"

"In your dreams!" Hinampas pa ni Peony si Jared sa braso. "No, in all seriousness, sa tingin ko kailangan mong makita ito." Tumungo si Peony. Sinundan naman ni Jared ang tiningnan nito.

"Alin? Ang panty mo?" Si Jared.

"Ano 'to, ma?" Naguguluhang tanong ni Jared sa screen na may clip na nakalabas. It is a CCTV clip. Jared thought.

Tiningnan lang siya ni Peony at saka sinenyasan ang pulis na kasama na i-play ang video.

Isang motor ang mabilis na humarurot na biglang bumangga sa isang lalaking tumatawid sa pedestrian lane.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon