Chapter 3: The brain can forget, but the heart cannot.
"Gising na si Jared."
Nang marinig ni Xiu ang balita, agad-agad siyang umalis sa kalagitnaan ng kaniyang klase at tinahak ang daan papunta sa Mataas na Kahoy General Hospital.
Tumakbo siya papasok ng ospital. Umakyat sa hagdan dahil walang elevator. Muli siyang tumakbo sa hallway. Dinig ang bawag mabibigat na yabag sa marmol na sahig.
Hindi alintana ang hingal na unti-unting gumagapang sa sistema. Ang mahalaga ay makita si Jared, nakamulat.
Gusto niyang humingi ng tawad dito. Halikan ang mga labi nito at sabihin kung gaano niya ito kamahal.
Room 307.
Pagbukas niya ng pinto maraming tao ang tumambad sa kaniya. Grupo ng doktor at nurses na nakapalibot kay Jared. Nandoon naman sa isang gilid si Peony, si Carren, at isang taong hindi niya kilala.
Hinihingal man, agad siyang lumapit sa kanila.
Gulat ang lumukob kay Xiu nang makita ang natatanging tao sa kuwarto na hindi niya kilala.
"Ian?"
Namimilog ang mata ni Xiu na pinagmasdan ang dating kaibigan na nakatayo sa harapan niya ngayon.
"Xiu!" Masayang binati ni Ian si Xiu. Tinapik pa sa braso ngunit hindi ginantihan nito ng bati si Ian. Dahil na rin sa hindi niya alam kung ano dapat ang maramdaman sa sitwasyong ito.
"Ehem. Ehem." Bumalik siya sa ulirat nang magpahitawig ang presensya ng doktor. Matapos ang ilang examination ay nagsalita na ito.
"Apparently, Mr. Gasson is in a better condition right now. Gising na siya but still.... temporary memory loss. We still don't know how severe the injury is, but hopefully, we get to identify in a few days."
Nagpasalamat si Peony sa doktor, maging sa mga nurse na kasama nito. Napansin din ni Xiu na may ilang intern na kasama sa round.
Nang maiwan sila, nagmulat ang mata ni Jared. Lilinga-linga ito sa paligid, inaalam kung nasaan siya at anong nangyayari.
Nakapalibot silang apat sa higaan ni Jared. Pinagmamasdan ng malapitan ito.
"Ma?" Gulat na gulat na tawag ni Jared nang makilala ang ina.
Napatalon si Peony nang makilala siya ng kaniyang anak. Akala niya kasi ay hindi siya matatandaan nito. Napayakap si Peony sa anak.
"Ouch! Ouch!" Reklamo ni Jared nang mapahigpit ang yakap ng ina.
"I'm glad you're awake now."
"Why am I here?" Ang unang tanong ni Jared.
Natahimik silang lahat. Hindi sa ayaw nilang sagutin ito. Masyado pa kasing maaga para malaman ni Jared ang nangyari. Baka mabigla lang ito.
Patuloy na umikot ang paningin ni Jared. Sunod dumapo ang paningin niya kay Carren.
Nagitla si Carren. Napahawak pa sa dibdib. "Nakikilala mo ba ako Jared?"
Pinagmasdan lang siya ni Jared.
Sinusubukang alalahanin ang babae.
"Ako nga. Ako nga.... Huwag mo akong pagkamalang si Nadine Lustre ha! Nako maiinis talaga ako sa'yo. Hello? Me? Nadine? Nadine is not even on my level."
"..." Everyone is clueless, watching the interaction.
"Sige. Sige. Sabihin mo." Si Carren na tila kinukumbinsi si Jared magsalita.
"Chari-" Ang salitang lumabas sa bibig ni Jared.
Nadismaya si Carren. "Charice Pempengco?"
"Charizard."
The three burst out in laughter. It is only one word but they laughed off as if it were their last.
"Ayan. Ayan tayo e." Si Carren na napahalukipkip sa pagkadismaya at inis sa tatlo na tinawanan pa siya. "Ay oh! Tawang-tawa?"
Napanguso na lang siya.
Nanahimik silang lahat nang dumako ang paningin ni Jared kay Xiu. Kinakabahan naman si Xiu, humihiling na sana ay makilala siya ng kasintahan.
Matagal siyang tinitigan nito. Lumundog ang puso niya nang ngumiti ito sa kaniya.
"Yes! Yes!" Isip niya.
Ngunit lumagpas ito sa kaniya at mas malaking ngiti ang gumuhit sa labi ni Jared nang dumapo ang paningin kay Ian.
"Babe!" Itinaas ni Jared ang parehong braso para yakapin si Ian.
Si Ian naman ay lumapit upang yakapin si Jared.
Napatingin si Xiu kila Carren at Peony. Basag ang puso niya sa mga oras na iyon. Hindi niya maitago ang sakit sa bawat sandali. Tila naluluha siya. Nanginginig ang talukap.
Ngunit ang mas masakit ay wala siyang magawa. Ayaw niyang mas lumala pa ang kalagayan ni Jared. Ayaw niyang mabigla ito.
Ang tangi na lang niyang magagawa ay pagmasdan ang dalawa, magkayakap sa harap niya.
"Iwan muna namin kayo." Si Peony kila Ian at Jared.
"So it was before the U.S. therapy."
"I think so." Si Carren na sumang-ayon. "It's nothing to be sad about, Xiu."
Iniangat ni Jared ang kaniyang ulo sa direksyon ng kisame. Pinipigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak.
"Heto. Magpalamig muna kayo." Ipinatong ni Peony ang dalawang bote ng iced coffee sa dalawa.
Nasa cafeteria sila ng ospital.
Tila silang tulirong tatlo. Nakatulala sa kawalan. Hindi alam ang gagawin sa pagkakataong iyon.
"He lost the memories he made with me. All of it."
"...."
"Each second that we spent. Lahat 'yon nawala. Those nights where we stayed up watching RuPaul. Days that we visited the country.... Vigan... Cebu. He forgot all of them." Walang kaemo-emosyon ang mga salitang ito na lumabas sa bibig ni Xiu. "He can't remember them all. He can't remember that I'm his boyfriend."
Peony dragged his seat closer to Xiu's. She started comforting the guy. "At ang pinakamasakit, nakalimutan niyang mahal ko siya."
Dama ni Peony ang sakit sa mga linyang binitawan ni Xiu. Sa pakikinig noon, napagtanto niyang nasa mabuting kamay ang kaniyang anak.
"Temporary lang ang lahat, Xiu. Babalik din ang lahat sa dati."
A glimpse of hope lit up in Xiu's eyes. "Yes. Yes. Magiging ayos lang ang lahat, 'di ba?" Tumingin si Xiu kay Peony at natatawang hinintay ang sagot. Bumaling naman siya kay Carren at tila nababaliw na tinanong, "'Di ba?"
Hindi nakasagot ang dalawa. Nagitla sila sa inasal ni Xiu. Inabot na lang ni Carren ang kape kay Xiu. Baka kasi nabibigla at na-iistress lang ito sa mga pangyayari.
"He may not remember that you love him, Xiu. He may not or will never be." Si Peony. "Ngunit ang mahalaga.... hindi mo nakakalimutan... diyan..." turo sa puso ni Xiu... "Ang mahalaga hindi mo nakakalimutan kung gaano mo siya minahal... kamahal... at mamahalin pa."
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...