28

75 4 1
                                    

Chapter 28: When Anger Wins

"Kapatid mo si Ian, Jared." Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Peony.

Basag na basag ang puso ni Jared na hindi makagalaw sa kaniyang upuan. Nangangatal ang labi nito at ang mata ay aandap-andap habang tinitingnan ang ina.

Inabot ni Peony ang kaniyang kamay- inaaya ang kaniyang anak na tumayo. Agad na ni niyakap ni Peony ang kaniyang anak nang tanggapin nito ang kaniyang kamay.

Alam niya na masakit ang nararamdaman ng kaniyang anak. Lalo na't nalaman nito na ang lalaking minsan na niyang minahal ay kaniyang kapatid pala. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit alam niyang hindi makakahilom iyon sa sugat ni Jared, umaasa siya na kahit pa paano ay maibsan ng yakap ng ina ang sakit.

Lumabas sila Jared at Peony mula sa restricted room o ang imbakan ng mga gamit ni Jared bago ang insidente. Doon nilagay ni Peony ang mga gamit nito dahil ayaw niyang kapag bumalik si Jared sa bahay ay mabibigla siya sa mga matatandaan.

Pinaupo ni Peony si Jared sa sofa.

Hindi na ito lumuluha ngunit tulala naman sa kawalan.

Kumuha siya ng tubig at inabot ito sa anak.

Alam niyang susubukin ni Jared na buksan ang ipinagbabawal na silid. Kagabi lamang ay narinig niya ang pagtililing ng mga susi na ikinagising niya. Hindi na lamang niya sinaway si Jared dahil kung nais na malaman ng kaniyang anak ang tungkol sa nakaraan niya, bakit niya ito pipigilan?

At inaasahan niya, kahit pa wala pa halos anim na buwan mula sa pagkakalabas ni Jared sa ospital, na maka-recover na ito ng buo.

Binaba ni Jared ang baso.

Tiningnan lang ni Peony ang anak. Pinapanood niya ito. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin ngayon.

Nasa ganoon siyang pagtitig nang magsalita na lamang bigla si Jared, "Is it true?" Basag ang boses.

Tumango si Peony.

Humarap si Jared sa ina. Nakita agad ni Peony ang pangungusap ng mata ng kaniyang anak. And at that moment, she quickly wished to have her son's pain.

"I don't believe it."

Again, she can hear the pain in his voice. And now, he's in denial.

"Jared." Panawagan pa ni Peony, sinusubukan na magising ang anak sa delusyon nito.

Hindi nakinig si Jared. Nagmatigas ito. Hindi niya matanggap sa kaniyang utak ang sinabi ng ina. This is the only revelation he couldn't accept.

Ngunit nauunawaan naman ni Peony kung bakit hindi matanggap ng kaniyang anak ang katotohanan. Inabot niya ang kamay ng anak at hinaplos iyon. Nagbabaka-sakali na kumalma ang anak.

"Jared, I know this is very painful and surprising. But we cannot do anything with this truth. If I can just do anything, I will do anything."

"Then do something!" Ang tiim-bagang na sabi ni Jared. He lets go of his mom's hand and immediately goes upstairs. He was sobbing on his way to his room holding his chest as the pain gets worse and worse but never wears off.


Gabi na ng makauwi si Carren. Naabutan niya si Peony na naghahain ng pagkain. Napansin ni Carren na tila may kakaiba kay Peony ngunit imbes na banggitin pa ito, binati na lang niya ito. "Tita, dito na po ako."

Nag-angat ng tingin si Peony na kasalakuyang ibinaba ang ulam. Agad siyang nagkunwari ng ngiti at bineso pa si Carren na lumapit sa kaniya. Inikot ni Carren ang paligid ngunit walang bakas ni Jared. Kapansin-pansin din ang katahimikan ng paligid.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon