11

84 5 1
                                    

Chapter 11: Oops, I did it again!

Sumapit ang isa sa pinakamahalagang araw sa kanilang lahat. Lalo na sa buhay ni Jared.

Nagmadali si Ian sa pagmomotor pabalik sa ospital pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang trabaho. Hindi na siya nag-aaral. Simula pa nung kanilang trip sa Amerika.

Naubos na rin ang savings na naka-impok sa banko. Ito ay impok ng kaniyang nanay para sa kaniya. Kaya simula nang iwan siya ni Jared sa ibang bansa, pagbalik na pagbalik niya ay tila namatayan siya. Ilang buwan din niyang ikinulong ang sarili sa kaniyang bahay. Natuto siyang magsugal at halos lahat ng masasamang bisyo ay kaniya nang nasubukan.

Ibinenta pa niya ang kaniyang pinakamamahal na kotse para matustusan ang kaniyang mga gastusin.

"Anong meron?" Laking pagtataka niya nang madatnan si Peony, Carren, at si Xiu na nag-uusap sa hallway ng ospital. May kalayuan din sila sa silid ni Jared.

Tiningnan lang siya ng tatlo. Kakaiba ang reaksyon ng mga ito sa mukha. May pagtataka sila Carren at Peony habang si Xiu naman ay nakangisi.

"Huh. Mukhang nakalimutan mong birthday ni Jared ngayon a. Oh, wait, pre! Baka naman hindi mo lang talaga alam. I know why. Because while you and Jared are together, all you care and think of is yourself. You self-centered dumb motherfucker!" Si Xiu na bakas ang pagkainis sa taong kausap sa tono.

Nais mang patulan ni Ian si Xiu ay hindi na niya ginawa pa. Napatiim-bagang na lang ito and gave him a stern look. Akmang aamba pa at maghahamon si Xiu pero inawat sila ni Peony.

"Stop, you two, already! Puwede ba? Puwede bang pag-usapan na lang natin kung paano isusurprise si Jared?" Sa unang pagkakataon, nagkasundo si Ian at Xiu. Masama man ang tinginan sa isa't isa, ngunit iisa lang naman ang kanilang layunin: ang ipaalala kay Jared kung gaano kasaya ang ipagdiwang ang kaarawan nito.

"Bakit kayo nandito?" Naistatwa silang lahat nang mahuli sila ni Jared.

Ngunit bago sila mabuko ay naisipan ni Peony na gamitin ang isang weapon laban kay Jared: ang pagiging ina niya, "Ikaw ang bakit nandito? Bakit ka nasa labas?"

Hindi makasagot si Jared at nilaro-laro ang kaniyang mga daliri sa pagkapahiya.

"Jared!"

Nagtinginan silang lahat sa pinanggalingan ng boses. Hindi ito pamilyar sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Ian, lalo na si Xiu.

Bumalik muli ang pagtingin ni Ian kay Jared na nakatayo sa kanilang kanan habang si Aiken naman ay nasa bandang kaliwa nila.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jared. Tumakbo na siya agad patungo kay Aiken at hinila ito patungo sa hagdan.

"Jared! Jared!" Sigaw ni Peony na may pagbabanta sa tono.

Hindi lumingon si Jared. Akma namang hahabol si Xiu sa dalawa ngunit bago pa ito makalayo ay naabot ng mahabang braso ni Ian ang damit nito na ikinabagsak nito sa sahig.

Nagkawag-kawag si Xiu upang makatakas sa paghawak ni Ian ngunit mas mahigpit ang hawak nito sa kaniya. "I know the guy. Don't worry."

Unti-unting kumalma si Xiu kaya binitawan na rin siya ni Ian.

Walang nagawa si Ian kundi ang tingnan ang hagdang tinahak nila Jared at Aiken. May tila tumusok na sibat sa kaniyang puso kaya napangiwi siya. Masakit man sa kaniya ay wala siyang nagawa.

"...Because while you and Jared are together, all you care and think is yourself." Tila nagpaulit-ulit ang sinabi ni Xiu sa kaniyang isip. Ngunit hindi niya magawang itanggi ang sinambit nito.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon