8

113 7 0
                                    

Chapter 8: The Battle of the Alpha Males

"Slurrp. Slurrpp. Sluurrp."

"Putang ina!"

Hindi napigilan ni Jared ang mapamura. Hindi sa kung anumang dahilang iniisip niyo kundi dahil sa....

"GrrrWwwwWwWww!"

...gutom.

Sa sobrang lakas ng pagkalam ng tiyan ni Jared, nagkatinginan pa si Xiu at Ian.

"I-ebak mo na 'yan. Kadiri ampota!" Si Xiu na nakaupo sa harap ni Ian pero malayo pa rin dahil nagsilbing boundary ang kama ni Jared.

"No, I... I refuse to accept such allegations!" Si Ian na walang gana pang nakipag-argumento.

"Sus! Hindi na ako nagtaka kung bakit parating gutom ka. Alam mo 'yung pulubi? Gano'n! Gano'n ka magutom!"

Napailing na lang si Ian. Pero umayos ng pwesto na tila bubuwelo pa sa pag-rebutt.

"It's better to be a beggar than to be rich but was educated like a trash." Hindi makapaniwala si Ian na nanggagaling pa ito mismo sa bibig niya. Dahil alam naman niya sa sarili niya na he is defining a person that is not him.

Nanlaki ang mga mata ni Xiu. Ngunit napagtanto rin na akma sa kanioang dalawa ni Ian ang sinabi nito. "Tsk. Look who's talking." Naghalukipkip siya.

"GrrrWrwrrwwW!" Nagkatinginan muli sila. Sa pagkakataong iyon, napagtanto nilang hindi sa kanilang dalawa nanggaling ang tunog.

Dahan-dahan nilang sinundan ang source ng tunog hanggang sa dumapo ang mga mata nila sa pigurang nasa ibabaw ng kama.

"GrRrrWwWwRr!" Napangisi silang dalawa. Ang cute kasi nitong tingnan.

May hawak itong cellphone, nakapasak ang earphone sa tainga habang namimilog ang mga mata sa kung ano mang pinapanood nito.

Sabay silang tumayo at maingat na humakbang papalapit sa kinahihigaan ni Jared.

At nang magkaroon ng sapat na anggulo ay sabay silang dumungaw ng tingin sa pinapanood nito.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nila nang malaman ang pinapanood ni Jared...


.... Jollibee Mukbang.

Nagkatinginan silang dalawa.

Alam na nila kung anong ibig-sabihin noon kaya mabilis nilang kinuha ang mga cellphone nila at parehas na tinawagan ang hotline ng Jollibee.

Wala pang limang segundo ay nadirect na sila sa pinakamalapit na Jollibee store.

Naghintay sila ng mga ilang minuto. Nagpapaunahan kung sino ang makakapagbigay ng craving ni Jared.

Hindi matanggal ang tingin nila sa pinto.

"Tok, tok, tok!"

Sabay silang napatayo, kaso nga lang si Peony ang iniluwa ng pintuan. Sabay silang umupo ng mabilis para hindi mahalata.

Napakagat pa ng kuko si Xiu. Habang si Ian naman ay itinukod ang daliri sa noo habang nakatungo.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon