Chapter 5: Dark Past is not an excuse for bad behavior.
"I don't think I am in the position to tell you the truth."
Tila ginigisa si Peony sa tensyon na mararamdaman sa paligid. Parehas kasi siyang kinukuwestiyon ni Ian at Xiu. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin.
Namumuo ang butil na butil na pawis sa kaniyang noo. Kaya nag-inhale-exhale siya hanggang sa kumalma siya.
Nang tuluyan nang kumalma ay nagdadalawang-isip pa rin siya kung dapat ba niyang sabihin.
"You see, si Jared.... my son... he has been through a lot. Hindi seryoso ang mga tiniis niya. That's why I'm so proud of him. But now...." napatigil siya at tumingin kay Jared tapos kay Ian, "Hanggang dito lang ang puwede kong sabihin."
Nadismaya ang dalawa. Maging kahit sino kasi sa kanila walang nakakaalam ng tunay na istorya ng buhay ni Jared.
Hobbies? Alam nila.
Favorite Kdrama nito? Alam nila.
Kahit siguro favorite na brand ng underwear nito, alam nila. Ngunit laking panlulumo nila nang mapagtantong napakalaki ng pagkukulang nila. Si Xiu bilang kasalukuyang kasintahan nito. Lalo na si Ian na ex nito.
Naalala ni Ian ang mga panahon na laging siya ang inuuna ni Jared bago ang sarili nito.
Hindi niya matanggap ang katotohanang hindi siya naging mabuting kapartner kay Jared. Naisip niya na tama na sigurong si Xiu na ang kasintahan nito ngayon. Puro gulo at hinanakit lang ang dinulot niya kay Jared. Laging siya na lang ang inuuna nito. Tinaya pa nito ang first sem niya para sa therapy niya sa ibang bansa.
Mabuting tao si Jared. Alam iyon ng lahat. Ngunit lahat sila ay hindi maunawaan kung bakit puro kamalasan ang nangyayari kay Jared. Baka nga raw sila pa ang may dala nito kay Jared.
"I'll be going home for now." Anunsyo bigla ni Ian sa kalagitnaan ng mahabang katahimikan kanina pa.
Tumango lang si Peony habang si Xiu naman ay nasiyahan sa narinig.
"Fuck, finally!" Pagdiriwang nito sa kaniyang isip. Sa sobrang kasiyahan nga niya, parang gusto niya pang magpa-lechon, kaso sa loob lang din ng utak niya.
Lumapit si Ian sa kinauupuan ni Peony, bumaba sa lebel nito, at bumeso. "I'll be back, tita."
Humulas ang ngiti sa labi ni Xiu. Para itong batang ngumuso at itinuon na lang ang tingin sa pader.
Tumingin sa huling sandali si Ian. Napagdesiyunan niyang lumapit dito. Pinagmasdan niya ang mukha ni Jared.
Mapayapa na itong natutulog.
Hating-gabi na.
Nararamdaman na ng lahat ang paggapang ng antok sa kanilang sistema.
Hinalikan niya muna si Jared sa labi.
Malambot pa rin ang mga labi tulad noon. "Hoooyyy!" Natigil si Ian at agad humiwalay dahil nag-react si Xiu mula sa 'di kalayuan.
•••
Anumang oras ay babagsak na ang mata ni Ian.
"Hoy, gunggong! Malapit na tayo, huwag ka nang matulog!" Inis na inis na paalala ni Xiu.
Hindi nga niya inaasahan na siya pa pala maghahatid pauwi rito e. Kung hindi lang siya inutusan ng ina ni Jared, kahit kailan hindi niya ito maiisipan.
Nang marinig ito, pinilit imulat muli ni Ian ang kaniyang mata. Nanghihina na ang kalamnan niya dahil sa lubhang pagka-antok. Siguro ay pipigilan na lang niya dahil nakikita na niya ang kaniyang mga katabing bahay.
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...