19

72 5 0
                                    

Chapter 19: When Netflix & Chill isn't really what it is.

"Hindi ko kapatid si Aiken."

Parang isang bombang sumabog sa harapan ko ang kaniyang rebelasyon. Nanlaki na lamang ang mga mata ko at natulala sa kaniya- kay ate Gracia.

Nanginginig ang mga labi ko at ang kamay ay natigilan sa kaniyang tuhod.

I feel like she's going to tell me something. Kaya umayos ako ng upo at tiningnan lang siya, hinihintay ang marahil susunod niyang sasabihin.

"Hindi ko kapatid si Aiken." Pag-uulit niya. At saka tumingin sa akin. "Hindi ko siya kapatid sa ina. At hindi ko rin siya kapatid sa ama."

Medyo hindi ko nakukuha ang nais niyang sabihin. Ibig-sabihin ba noon ay ampon lang si Aiken?

"Oo." Sagot niya na tila ba narinig ang tanong ko. "Ampon si Aiken. Piyesta noon ng Sto. Niño nang magpunta ang mga magulang ko para makisayaw. Ilang taon na si mamang hindi nagbubuntis kaya gusto niya sanang masundan ako. Gusto nilang magkaroon ng lalaking anak. Nang matapos ang pagtitipon, unti-unti na ring numipis ang dami ng tao at doon nila narinig ang alingawngaw ng iyak ng isang bata. Napansin nila na tila may lahi ang bata at hindi ito normal na Pilipino lamang. Hindi siya puro. Hinanap nila ang magulang ng bata kahit saan. Dinala rin nila sa pulisya. Ngunit ilang araw ang lumipas, walang magulang ang dumating para balikan ang anak nilang nawawala. Hindi nahinto ang paghahanap nila mama at papa roon. Dahil kahit inampon na nila si Aiken ay patuloy ang paghahanap nila sa magulang ng bata. Hanggang sa lumaki na lang ito at hindi na nga nahanap ang babaeng nagluwal dito. Napagtanto ni mamang na baka siya ang hinihingi niyang anak na lalaki nang dumalo sila sa pista na 'yon. Kaya simula noon ay tinanggap at kinalinga na nila si Aiken bilang anak."

Isang mahabang kuwento ang sinalaysay ni ate Gracia.

"I feel bad for Aiken. Iniwan na siya ng magulang niya, t-tapos eto pa ngayon... nagkaroon pa siya ng malubhang sakit."

She looked at me as if she's giving me an approval for something I don't know about. "At hindi katagalan ay nalaman nilang may sakit pala si Aiken. May leukemia ito. Kaya nilaan ni papang ang kaniyang umaga't gabi para magtrabaho sa treatments na kailangan ni Aiken. Habang si mamang naman kasa-kasama ni Aiken na labas-masok na lang lagi sa ospital. Tingnan mo ako ngayon? Kinaya ko na lang mag-isa dahil lumaki ako na walang sumusubaybay sa aking mga magulang. Pero never kong sinisi si Aiken sa bagay na iyon. Dahil baka dinala siya ng Diyos sa pamilya namin dahil kailangan niya kami. Dahil higit sa lahat, mas kailangan niya ng kumakalingang magulang kaysa sa akin."

Napangiti ako sa kaniya. Nakakatuwa na ganito ang naging pag-iisip ni ate Gracia. Hindi ko naranasan kahit kailan ang mahati ang pagmamahal sa akin ng nanay ko. Dahil simula't sapul wala akong amang paghahatian ng pagmamahal sa akin ni mama. Buong atensyon niya ay nakatuon sa akin.

Nagsisisi tuloy ako sa pambabalewala ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw.

"And lately, bago kayo magkakilala, nalaman ni Aiken na ampon lang siya. Kaya lubos ang pagtataka namin na imbes na mapanghinaan siya ng loob ay tila mas lumakas siya at naging positibo sa araw-araw. At dahil sa iyo 'yon, Jared."

Biglang nagring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa sa kalagitnaan ng aking realisasyon. Si mama ang nakadisplay sa caller I.D.

Agad kong sinagot iyon, "Ma? Hello?"

"Nak, kailangan na nating umuwi. Nakalimutan natin ang gamot mo."

"O-opo." Malumanay ko nang sagot.

Binaba ko ang tawag.

"Ate Gracia?" I called to inform her that I have to leave. "Ako na po magbabayad." Nagmadali akong tumayo para sana magbayad.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon