Peony would something like this. Around early 40s but still fresh looking. The hood is for her attempt to stay in trend since she's a vlogger.
Chapter 6: When Simple Words became insinuations.
Hindi pa sumisikat ang araw, masamang balita na ang sumalubong sa mga mahal sa buhay ni Jared.
Lahat ay nagmadali para pumunta sa ospital kung saan siya naka-confine. Nakatingin sila ng mabuti. Sinisipat ang kalagayan ni Jared.
Nakaupo si Jared na naguguluhang nakatingin sa kanila.
Nandoon si Peony, Carren, Xiu, at siyempre si Ian.
Para silang nabuhusan ng malamig na tubig sa pagkagitla nang marinig ang pagbukas ng pinto ng room na iyon. Ang doktor pala iyon.
Binigyan nila ito ng puwang upang makasingit. Binuklat agad ng doctor ang clipboard, at binasa ang kaniyang mga findings.
Kabang-kaba ang lahat. Napalunok ng laway.
The doctor wears a worried expression, "I'm sorry to tell you..." dagdag pa roon ang tono nitong tila nakikiramay, "...but Jared's condition becomes worse."
Napabuntong-hininga si Peony. Hindi dahil sa nagulat siya kundi dahil sa nagkatotoo ang kaniyang hinala.
"What do you mean?" Tanong ni Ian.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang." Si Xiu naman na may inis na sa tono.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Tanging tinginan lamang na hindi nagtatagpo.
"His memory. He almost forgot everything. From his childhood until the day of the accident."
"Hindi! Don't tell me that! I know he doesn't forget everything. He cannot forget everything. He cannot forget me!" Hinila ni Xiu ang doctor sa kuwelyo nito. Galit na galit itong inilabas ang kaniyang saloobin.
Hindi makagalaw ang doctor. Hindi sa nabibigla siya sa inasal ni Xiu. Marami na rin kasi siyang naranasang ganoong sitwasyon. Wala naman siyang magagawa. Hindi naman niya kontrolado ang lahat.
"Man, stop it! It will not help." Si Ian na hinawakan na si Xiu sa braso para awatin.
Mas nag-init ang ulo ni Xiu sa ginawa ni Ian. Tinulak niya paalis ang kamay nito at sa kaniya naman binuntong ang galit.
"Don't fucking tell me that. It is you who cannot help things. You made it worrrseee! Pinalala mo lang ang lahaaattt!"
Nagpanting ang tainga ni Ian sa sinabi ni Xiu kaya inundayan niya agad ito ng suntok. Tumama ito sa mukha ni Xiu na nagpatumba rito halos sa sahig. Nagpuyos lalo sa galit si Xiu at umamba na rin ng suntok. Ngunit agad natigil ang tensyon sa pagitan nila nang sumigaw si Peony. Hindi para awatin sila, "Sigeee! Ituloy niyo! Ituloy niyo mga gagoooo! Kasalanan niyo 'tong dalawang, puta kayooo!"
BINABASA MO ANG
how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)
RomanceWARNING: The following story contains homosexual romance and sex. If that's not your cup of tea, then better get out. ❗THIS IS A SEQUEL. READ "HOW TO HAVE SEX WITH AN ALPHA MALE" FIRST ❗ After Jared found out that Ian is his half brother, he left t...