02 • Mahiwagang Baul

2.8K 211 316
                                    

PUTING DAMIT NA NAHALUAN ng tsokolateng kulay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PUTING DAMIT NA NAHALUAN ng tsokolateng kulay. Mga bota at guwantes na gawa sa goma ay may mga nakadikit na lupa. Nakatayo ang dalagang panay singhot at punas ng luha kaya pati ang kaniyang pisngi ay marumi na rin. Isang hakbang lang ay naroon ang malalim na hukay na anyong parihaba.

        Kasabay ng paglubog ng araw ay tuluyan na rin siyang iniwan ng matanda. Kaya ito siya ngayon, kaarawan niya ngunit nag-iisa. Sa halip na magsaya ay ito siya nasasaktan dahil sa paglisan ng nag-iisang pamilya na natitira. Imbes na isang magandang musika mula sa bibig ng kaniyang lola habang kinakantahan siya ng maligayang kaarawan ay iyak niya ang maririnig. Libingan ng lola niya ang kaniyang hinanda na dapat sana ay keyk na may labingwalong kandila.

        Ikinumpas niya ang kaliwang kamay, kaya lumutang ang katawan ng kaniyang lola na nakabalot ng puting tela. Dahan-dahan iyong bumaba sa pinaghukayan niya.

        "Rest in peace, lola. Siguro masaya ka na ngayon kasi nasa tabi ka na ni Lolo Andoy," aniya habang nakatingin sa may kaliwa. Naroon ang maliit na umbok ng lupa at may krus na nakatirik na may pangalang Andres Doynifacio. Iyon ang kahilingan ng kaniyang lola na ilibing ito sa ganoong paraan.

        "Huwag po kayong mag-alala. Susundin ko lahat ng bilin at palagi kong tatandaan ang mga itinuro ninyo sa akin."

        Pinalipas niya pa muna ang ilang minuto bago kinuha ang pala at inumpisahang tabunan ng lupa ang kaniyang lola.

        "Mami-miss ko kayo," maluha-luhang aniya nang matapos ang burol na ginawa. Tinamnan din niya ng mga paboritong bulaklak ang libingan nito. Naitayo na rin ang krus na may pangalan ng matanda na Gabritanya Silang.

        Sa daigdig ng Arun, kahit nag-asawa na ang isang Aruna ay mananatili ang buo nitong pangalan. Ang makadadala sa apelyido ng kanilang asawa ay ang magiging anak lang nila.

        Umihip ang malamig na hangin. Napayakap siya sa sarili. Sa halip na matakot, malungkot siyang napangiti. Iniisip niya, iyon ang kaniyang lola na niyayakap siya sa huling pagkakataon.





NAKAUPO SI ARYANA sa kama ng kaniyang lola. Iniisip niya kung saan mag-uumpisang maghanap. Tiningnan niya ang timer na hawak. May siyam na oras pang natitira bago matapos ang kaniyang kaarawan.

        Kung sana lang ay sinabi ng kaniyang lola para hindi siya nahihirapang maghanap 'di ba?

        Pero hindi naman siya nagtatampo sa matanda. Maliit pa lang siya'y iba na ang paraan ng pagpapalaki sa kaniya.

        Kung gutom siya ay magluto siya. Kung may gustong matutunan ay mag-aral mag-isa. Kung may mga katanungan ay bahala na siyang maghanap ng sagot. Kaya nga may katanungan siya na hindi pa rin nasasagot. Kagaya ng kung bakit hindi sila bumalik ng Arun para hindi mamatay ang mga ito. Naitanong niya minsan, tanging 'hindi puwede' ang nakuhang sagot.

        Sa madaling salita ay sinasanay siya na tumayo sa sariling mga paa. Kahit noong sampung taong gulang siya ay mag-isa lang itong umaalis sa gubat at nagpupunta sa siyudad. Hindi para pumasok sa paaralan, kung 'di sa training gym para mag-aral ng martial arts. Sa unang linggo ay sinamahan naman siya ng matanda. Ito ang nag-asikaso sa pagpasok sa gym at bahay na tutuluyan niya. Kapag walang training sa gym ay namamasyal siya sa siyudad o nananatili sa tinutuluyan niyang bahay at doon nagbababad sa harap ng telebisyon o kaya cell phone ang hawak. Gusto niya kasing maranasang mamuhay na kagaya sa mga normal na tao bago man lang siya bumalik sa mundong kinabibilangan—mundong nararapat ang isang kagaya niya.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon