17 • Memory Manipulation

2K 183 135
                                    

MAGANDA ANG PANAHON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAGANDA ANG PANAHON. Kahit mataas na ang sikat ng araw ay hindi naman masakit sa balat. Nakatingin si Aryana sa limang nilalang sa di-kalayuan. Ang saya-saya ng mga ito habang nag-uusap. Siya kaya? Mararanasan din kaya niya ang ganoon?

        Nakaramdam siya ng presensiya sa kaniyang tabi. Nginitian niya ang matanda. "Salamat po pala sa ginawa mo kagabi, Lola Jiyi."

        "Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, Aryana. Hinayaan mo akong gamitin ang kakayahang mayroon ako para matulungan ka. Isa iyong karangalan para sa isang ordinaryong mamamayan na kagaya ko," mahabang sabi ng matanda.

        May kakayahang memory manipulation ang matanda. Kaya nitong kontrolin ang memorya ng sarili o ng iba, puwede nitong impluwensiyahan, ayusin, ibalik, burahin, tiktikan, at tingnan. Magagawa nitong baguhin ang memorya ng isang tao para lituhin, magsanhi ng amnesiya, makikilala at pukawin ang nostalhik, ipakitang muli ang alaala, at ipasok ang biktima sa isang saykikong pangitain.

        Ginamit ng matanda ang kapangyarihan nito sa lima. Ang natatandaan lang nila ay hanggang doon sa kainan. Kumain sila at pagkatapos niyon ay nagpaalam na siyang aalis.

        Sa bahay ng matanda siya nagpalipas ng gabi.

        "Huwag n'yo pong sabihin na ordinaryo lang kayo. Lahat tayo ay espesyal at pantay-pantay. Iyan po sana ang tatandaan ninyo, Lola Jiyi."

        Nakangiting tumango ang matanda. "Mamayang tanghali ka na pala aalis, Aryana," anito. "Mag-ingat ka. Limang araw mula ngayon ay lalabas na ang tatlong bilog na buwan. Sana bago iyon lumabas ay makuha mo na ang puting perlas."

        Gulat na tiningnan ni Aryana ang matanda. "Alam mo po ang tungkol diyan?"

        Tumingin-tingin ang matanda sa paligid. Pagkatapos ay hinila si Aryana papasok sa loob ng bahay nito at mabilis isinara ang pinto. Silang dalawa lang ng mga oras na iyon. Umalis kasi ang mga apo nito.

        "Patawad kung ngayon ko lang sasabihin ang totoo." Itinaas ng matanda ang laylayan ng suot nitong mahabang damit at hinubad ang kanang sapatos, kasama na medyas.

        Doon nakita ni Aryana ang marka nitong hugis bituin na kulay ginto. Unti-unti na niyang nakokompleto ang mga may markang gintong bituin. Si Antonia sa kanang pulsuhan, si Luciana sa kaliwang pulsuhan, ang Lola Tanya niya sa kaliwang paa, at sa kanang paa naman itong si Lola Jiyi. Ang may marka sa batok na lang ang hindi pa niya nakikita.

        "Siguro'y nagtataka ka kung bakit ang tanda ko nang tingnan kumpara kina Antonia at Luciana. May ipapakita ako sa 'yo."

        Napanganga si Aryana sa sunod na nakita. Nagbago lang naman ang matanda. Naging itim na ang buhok. Nawala ang kulubot na balat at ang mukha nito...ang ganda. Artistahin. Kulay berde rin ang mga mata nito kagaya sa kanyang lola at kina Antonia at Luciana. Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi at parang naglagay ng kolorete sa pisngi dahil medyo mapula. Parang tatlumpung taong gulang pa lang itong tingnan.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon