38 • Puting Palasyo

1.7K 168 131
                                    

PAGKABAHALA ANG MASASALAMIN sa mukha ni Victoria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKABAHALA ANG MASASALAMIN sa mukha ni Victoria.

        "Parating na sila," saad ng dalaga habang nakatingin kay Aryana. "Four, bantayan mo si Master Aryana. Pipigilan ko sila."

        "Ikaw ba ay nababaliw na?" may kalakasang ani Four. "Sila'y hindi mo kayang labanan nang mag-isa. Samahan na kita."

        "Ikaw 'tong nababaliw!" sigaw ni Victoria kaya nagulat ang binata. "Oo at hindi magkasundo ang Lucius at Sedna pero huwag kang gumawa ng rason para magkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawa. Hindi nila dapat makita kahit anino mo lang. Naiintindihan mo?"

        Hindi magawang sumagot ni Four. Tama lahat ang sinabi ng babae. Isang malaking gulo kapag nalaman nilang pumasok siya sa teritoryo ng mga ito. Lalong-lalo na kung ang rason niyon ay patungkol sa puting perlas.

        "Alis na 'ko. Ingatan mo ang master ko."

        "Tumigil ka, Victoria!"

        Natigil ang dalaga sa tangka nitong paghakbang. Nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang nagsalita.

        Maging si Four ay ganoon din ang reaksiyon.

        "M-Master Aryana, n-nakikita mo na kami?" nagkandautal-utal pang anito.

        Napataas ang isang kilay ni Aryana at ipinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

        Tumigil ang tingin nito kay Victoria. "Base sa mga salitang ginamit mo'y nangangahulugang kanina pa kayo nandito subalit hindi ko nga lang kayo nakikita. Tama ba?"

        Mabilis na tumango ang dalaga.

        "Okay," paanas na ani Aryana. Pagkatapos ay makahulugang tiningnan ang binata. 'Siya kaya 'yong nagligtas sa akin kanina?' naitanong niya sa isipan. Pero may bahagi ng utak niya ang nagsasabing ito talaga dahil pamilyar na sa kaniya ang labi nito. Gusto niya itong pasalamatan dahil dito'y ligtas siya.

        Sinalubong naman ni Four ang tingin ng dalaga. Napakunot ang noo niya nang makitang nagbukas-sara ang bibig ng babae ngunit wala namang boses na lumabas. Pero nang maunawaan niyang salitang 'salamat' ang binigkas nito'y napangiti siya nang malawak.

        Balik kay Aryana, inilabas niya mula sa kaniyang kabalyas ang itim na balabal. "Victoria, isuot mo ito." Tiningnan nito ang binata. Suot nito ang isa pang balabal. "Itanong mo na lang kay Four kung paano ito gamitin. Pagkatapos ay umalis na kayong dalawa."

        "Ano'ng ibig mong sabihin?" ani Victoria habang tinatanggap mula kay Aryana ang balabal.

        "Ano ba ang iyong pinagsasabing umalis na kami, babaeng maliit? Ikaw ay hindi namin pupuwedeng iwan ditong mag-isa," kontra ng binata.

        "'Wag na nga lang kayong maraming tanong! Sumunod na lang kayo sa sinasabi ko. Dalawang milya mula rito pa-silangan ay may isang baryo. Hintayin n'yo ako malapit sa baryo na 'yon. At ikaw, Four." Hinarap nito ang binata. "Papuntahin mo na lang doon ang kaibigan mong si King Kong. Doon ko na lang siya susubukang pabalikin sa orihinal nitong anyo."

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon