24 • Anunzziata

1.9K 185 145
                                    

NAGLALAKIHAN AT IBA'T IBANG hugis at kulay ng mga bato ang nakikita ni Aryana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGLALAKIHAN AT IBA'T IBANG hugis at kulay ng mga bato ang nakikita ni Aryana. Kanina pa siya naglalakad. May sinusundan kasi siya.

        Nakita niyang pumasok ang sinusundan sa isang kuweba, kaya sumunod din siya roon. Hindi madilim papasok dahil sa marami ang mga nakahilerang sulô.

        "May gusto ka bang itanong o malaman kaya mo ako sinusundan?" ani Lucas. Nakapamaywang ito at para bang inaabangan ang kaniyang pagdating.

        "Tama ka," simpleng tugon niya.

        "Tuloy ka muna sa bahay ko. Do'n tayo mag-usap," anito at naglakad na.

        Sinundan na lang ito ni Aryana. Mahaba-haba rin ang nilakad nila. May napansin siyang liwanag sa unahan na nagmumula sa itaas. Kumunot bigla ang kaniyang noo na umabot na lang sila sa dulo ng kuweba ay walang bahay na nakita. Napatingin siya sa itaas. May butas doon na kasya siguro ang isang payat na tao at kitang-kita ang kalangitan.

        Kita niyang lumapit sa pinakagitna si Lucas. Doon sa bahaging natatamaan ng liwanag mula sa itaas. Mas lalong lumala ang pagkakunot ng kaniyang noo nang makita ang desinyong nandoon. May porma iyong hugis araw na may walong sinag na kagaya sa markang nasa kaniyang batok. Naisip niya tuloy bigla kung ano ang nais nitong ipakahulugan.

        Inikot iyon ng lalaki pakanan nang tatlong beses, isang beses pakaliwa, at idiniin ang bilog sa gitna. Napatingin siyang bigla sa kanang dingding. Gumalaw pakanan iyong pagkalaki-laki at sobrang kapal na bato. Nagkaroon ng pinto at hagdanan pababa.

        "Sumunod ka sa akin."

        Biglang namangha si Aryana nang makita ang kabuuan ng lugar. Ang lawak niyon. Kitang-kita dahil nasa itaas siya. Nasa gilid ang hagdanan pababa. Parang ayaw na niyang bumaba. Ang hagdanan ay gawa sa bato na may iba't ibang uri ng mineral. Nakadikit ang mga iyon subalit may ilang parte ang nakalitaw. Sa halos limang daan na klase ng mineral, ilan kaya ang matatagpuan dito sa tinatawag ni Lucas na bahay nito? Hindi iyon maituturing na bahay. Parang isang mansiyon na ginawang tambakan ng kayamanan. Kung sa mundo kaya ito ng mga mortal, gaano kaya kayaman itong si Lucas? Sa dami ba naman ng nakikita niyang diamante, ginto, rubi, sapiro, esmeralda at iba pang mahahaling uri ng bato.

        "Lahat ng nakikita mo ay hindi ko pagmamay-ari. Huwag mo na rin tanungin kung kanino dahil hindi ko sasabihin."

        "Ganoon ba?" sabi na lang niya. Gusto niya sanang tanungin kung bakit may ganoong insignya sa lugar ay hindi na lang nito ginawa. Pakiramdam kasi niya baka magiging komplikado lang ang lahat kapag nalaman nitong si Lucas na may ganoon siya sa batok. Marami pa siyang kailangang hanapan ng sagot at dapat unahing gawin. Ayaw niya munang dagdagan.

        Iaapak na sana niya ang paa sa hagdanan nang mapansin kung ano ang nasa ibaba. May malaking hugis parihaba na bato na gawa sa esmeralda. Sa halip na gumamit ng hagdan pababa ay nag-teleport siya patungo roon.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon