49 • Luhang Apoy

1.7K 164 83
                                    

GUMUHIT ANG ISANG NGISI sa labi ni Aryana nang marinig ang sinabi ni Victoria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GUMUHIT ANG ISANG NGISI sa labi ni Aryana nang marinig ang sinabi ni Victoria. Ginamitan siya nito ng telepathy.

        May gusto ba siyang inisin? Pasimple siyang bumaling ng tingin sa kabilang direksiyon. Partikular na sa isang nilalang. Isang babaeng may naglalagablab sa galit na mga mata.

        Wala naman, sagot niya kay Victoria gamit ang isipan.

        Wala naman talaga. Gusto lang niyang maglakad nang normal. Kung may magalit man o mainis ay hindi na niya 'yon kasalanan. Wala namang batas na nagsasaad na bawal ang maglakad nang mabagal, 'di ba?

        Inisin mo pa ngang lalo si Tris, master.

        Inuutusan mo ba ako, Victoria? kunyari ay mataray niyang sabi rito.

        Hindi, master.

        Napangisi na naman siya. Kita niya ang paulit-ulit na pag-iling ni Victoria. Nagmumukha itong tanga. Lalo pa't nakakunot ang noo ng apat na kapwa disipolo ng Academia de Lucius na nakatingin dito. Malamang ay nagtataka sila.

        Sa tingin ko oras na para kuminang ka, Victoria.

        Ano ang ibig mong sabihin, master?

        Ipapaliwanag na sana niya ang plano ngunit hindi naituloy. May bigla na lang humarang sa kaniyang harapan.

        "Bakit suot mo'y ganyan na naman, babaeng maliit? Ikaw ay masyadong agaw-pansin lalong-lalo na sa mga mata ng kalalakihan," anito at saka nilingon ang puwesto ng mga taga-Academia de Lucius. Binigyan pa nito ng masamang tingin sina Calvin, Tommy, at Ralph, na mabilis naman na nagsiiwas ng tingin.

        Napangiti siya nang palihim. Parang gusto siyang bakuran ng lalaki sa ginagawa nito.

        "Bakit mo ba kinakausap ang babaeng ito, Four?"

        Napatingin si Aryana sa nagsalita. Si Tris. Naglalakad ito palapit sa puwesto nila ng binata.

        "Ikaw naman babae!" baling nito kaniya. "Hindi mo talaga seniryoso ang banta ko sa 'yo. Gusto mo na ba—" Natigil itong bigla. Iyong mga mata nito biglang naging pula, na kung saan pinaghalong galit at sakit ang makikita. Nakatuon ang tingin nito sa leeg ni Aryana.

        Mabilis naman iyong tinakpan ni Aryana gamit ang kaniyang buhok. Nawala sa sarili niyang dapat pala nito iyong takpan. Sabi pa naman ni Victoria sa kaniya, tatlumpung taon na raw na pangarap ni Tris na magkaroon ng marka na nasa leeg niya. Kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ang dalaga kagalit sa kaniya.

        Hinarap ni Tris ang binata. "Bakit mo siya minarkahan, Four, gayong ako naman ang nakatakda mong dapat pakasalan? Bakit?" Mababakas sa boses nito ang galit at hinanakit. "'Di ba nangako ka na ngang magpapakasal tayo kapag nag-isang daang taon ka na?"

        "Sinabi ko lang iyon para ako'y tantanan n'yo na. Alam n'yo namang lahat na hindi kita gusto pero ako'y pinipilit n'yo pa rin."

        Umawang ang bibig ni Tris, kasabay niyon ang pagdaloy ng luha sa pisngi nito. Hindi lang iyon basta luha— luhang apoy ang lumabas mula sa pula nitong mga mata. Ibig sabihin, labis na nasasaktan ang puso nito.

        Napatingin si Aryana kay Four. Tila baliwala lang dito ang nangyayari. Parang gusto niyang isipin na napakawalang puso nito. Kahit ayaw niya kay Tris dahil sa ugali nito, nakaramdam pa rin siya ng awa para dito. Konsensiya naman para sa sarili. Nagmahal lang naman ito at siya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan ngayon.

        Sunod niyang tiningnan ang kanilang mga kasamahan. Iba-iba ang reaksiyon nila. Subalit, wala siyang panahon para isa-isa iyong basahin.

        "Napakasama mo talaga, Four! Paulit-ulit mo na lang sinasaktan ang damdamin ko!" galit na galit na sigaw nito habang patuloy sa pagpatak ang mga luha nito.

        Pinunasan nito ang pisngi gamit ang palad at binalingan ng tingin si Aryana. "Ikaw!" Tinuro nito ang dalaga. Naglalagablab sa galit hindi lang mga mata, maging ang buo nitong katawan. Nababalot ito ng apoy. "Masyado kang malandi! Mang-aagaw! Ano ang ginawa mo sa Four ko at naging ganito siya, ha?" Umaalingawngaw pa ang boses nito dahil sa lakas ng pagkakasigaw.

        Sa bawat bigkas nito ng salita, mas lumalakas ang apoy nito. Kahit may distansiya pa sila ng pitong metro ay ramdam ni Aryana ang init.

        "Tumabi ka, Four!" puno ng galit na sigaw ni Tris.

        Humarang kasi sa harapan ni Aryana ang binata.

        "Bago mo magawang saktan si Aryana, ako'y kailangan mo munang harapin!" malakas at may diing pagkakasabi ni Four.

        Nakita na naman ni Aryana ang pagguhit ng galit at sakit sa mga mata ni Tris. Napabuga siya ng hangin, sabay pikit ng kaniyang mga mata.

        "Bumalik ka muna sa mga kasamahan mo, Four," bigkas niya. Nakapikit pa rin ang mga mata. Ayaw niya na munang makita si Tris. Lalong-lalo na ang mga mata ng dalaga. Ayaw niyang makita ang luhang apoy nito.

        "Dito lang ako, babaeng maliit. Ipagtatanggol kita."

        Gusto niyang matuwa o kiligin sa sinabi nito pero hindi nito magawa. Sa ginagawa nitong pagtatanggol sa kaniya ay mas lalo lang lumalala ang sitwasyon. Masyado nang nagdurugo ang puso ni Tris na tatlumpung taon nang nagmamahal sa binata.

        Nagmulat siya ng mga mata't tiningnan ang lalaki. "Aalis ka o hihiwalayan kita?" may diing pagkakasabi niya.

        Wala pang dalawang segundo ay nawala na sa harapan niya si Four. Tumakbo nang mabilis pabalik sa mga kasamahan nito.

        Naikuyom ni Tris ang kaniyang mga kamay na nag-aapoy. Galit na galit siya pero mas nanaig ang sakit sa dibdib na nararamdaman niya. Iyong lalaking matagal na niyang mahal na kilala bilang walang pakialam at walang puso ay nakita niya sa unang pagkakataon na natakot— natakot itong hiwalayan ng babae. Ang pinakamasakit sa lahat, hindi siya ang babaeng iyon.

        Tiningnan niya ang babaeng nakapikit na dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Isa lang ang pumasok sa isipan niya. Ang mawala ito sa kaniyang landas.

        Pinadaloy niya sa kaniyang mga kamay ang lahat ng enerhiyang mayroon siya. Idagdag pa ang pinagsama-samang galit, kabiguan, at sakit ay parang mas lumakas ang kapangyarihan nito.

        Samantala, nakarinig si Aryana ng iba't ibang singhap kaya napadilat siya.

        "Aryana!" Isang salita lang ang isinigaw subalit hindi galing sa iisang tao.

        Bumilog na lumaki ang kaniyang mata. Isang naglalagablab at pagkalaki-laking apoy na anyong ibon ang palapit sa kaniya.

        Subalit, hindi pa riyan nagtatapos ang eksenang nagpasinghap, nagpalaki ng mga mata, nagpanganga, at nagpagulat sa kanila.

        Si Victoria, biglang sumulpot sa kaniyang harapan. Gamit ang isa sa mga kapangyarihan na ibinigay niya. Teleportation.

        Ngunit hindi pa riyan ang katapusan ng eksena . . .

        Sinangga nito ang apoy na phoenix ni Tris gamit ang kapangyarihan nitong bughaw na apoy.

        "Kailangan mo muna dumaan sa mga kamay ko bago mo masaktan ang master ko."

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon