35 • Pulang Lawa

1.8K 171 110
                                    

NAKALUTANG SA ITAAS ang dalagang si Aryana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKALUTANG SA ITAAS ang dalagang si Aryana. May kataasan ang kinaroroonan niya. Tinalasan niya ang kaniyang mga pandama.

        "Nasaan na ba ang lalaking malaki na 'yon?" may halong inis na aniya. "Bigla na lang nawala. Akala ko pa naman ay tutulungan ako!"

        Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi ni Aryana nang mamataan ang anyong lawa na katabi lamang ng pulang puno. Pinaglaho niya ang sarili at sa isang kisap-mata lang ay nakaapak na ang kaniyang mga paa sa batuhan. Hindi ito mga ordinaryong bato lamang. Para silang mga pekeng diyamante.

        "Ito na kaya ang pulang lawa?" Parang gustong matawa ni Aryana sa sariling tanong habang palakad-lakad sa mga puting bato.





"ARYANA! ARYANA!"

        Halos mamaos na si Four sa paulit -ulit na pagsigaw sa pangalan ng dalaga.

        "Aryana! Ar—"

        "Ayaw mo na bang mabuhay ha?"

        Natigil ang binata at nilingon ang nagsalita. Napakunot ang noo nito nang makilala kung sino.

        "Bakit ikaw ay nandito, Victoria?"

        "Ako dapat ang magtanong niyan. Bakit ka nandito? At kailangan pa talagang ipagsigawan ang presinsiya mo? Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka ng Academia de Lucius? Dahil sa papalabas na tatlong bilog na buwan, lahat ay nagsipagtago na kaya pasalamat ka't ako lang ang nakakita sa 'yo. Kaya kung ako ikaw ay aalis na agad ako."

        Binigyan ni Four ng masamang tingin ang babae. "Ako'y hindi aalis! Kami ay may usapan ng babaeng maliit na iyon pero siya'y bigla na lang nawala."

        "Nandito lang siya," turan ni Victoria at nagsimulang gumuhit sa hangin.

        Nagsalubong ang mga kilay ni Four nang makita ang ginagawa ng babae. Pinagdikit ng dalaga ang mga palad nito habang umuusal ng isang baybayin. Pagkatapos ay iniba ang posisyon ng mga palad nito. Nakaturo sa lupa ang kanang mga daliri samantalang ang kaliwa'y sa itaas.

        Nagsimulang lumiwanag iyong ginuhit ng dalaga at palaki iyon nang palaki. Napapikit ng mga mata si Four nang binalot ng liwanag ang buong paligid.

        "Dumilat ka na."

        Sinunod ni Four ang sinabi ni Victoria. Iginala nito ang paningin sa paligid. Walang nagbago.

        "Ako ba ay iyong pinaglol—" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang mapadako ang tingin nito sa kaliwang banda.

        "Aryana!"

        "'Wag ka ngang sumigaw," saway ni Victoria. "Hindi ka niya maririnig."

        "Aryana!" Tila ba walang narinig si Four at patuloy pa rin sa pagtawag sa dalaga.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon