"BALIW NA TALAGA ANG matandang babae na 'yan. Siya pa mismo ang nagsabing huwag tayong lalapit o gagamit ng kapangyarihan pero tingnan n'yo siya," pagsasalita ni Victoria habang iniiling-iling ang ulo.
Isa na namang tawa ang dumagundong.
"Sa lahat ng nanakawan ng kapangyarihan ay siya lang yata ang tuwang-tuwa," sabi naman ni Nina.
Ang tatlong lalaki naman ay hindi magawang ibukas ang kanilang mga bibig.
"Wala ka talagang alam, ano?" biglang salita ni Aryana at itinulak ang babae. Napalakas yata kasi napaupo ito sa lupa.
"Bakit gano'n?" naguguluhang anas ni Dora. "Bakit ayaw?"
"Dora, ano'ng problema?" Lumapit si Boots sa babae at tinulungan nitong makatayo at inilayo si Dora kay Aryana.
"Bakit hindi ko manakaw? Anong kapangyarihan mayroon ka?" Halata pa rin sa mukha nitong hindi makapaniwala sa resulta ng ginawa.
"Tama ba ang narinig ko?" biglang sambit ni Victoria at tiningnan ang mga kasama. Tinanguan lang siya ng mga ito.
"Hindi niya nanakaw ang kapangyarihan ni Aryana," sabi ni Ralph.
"Ano ba talagang kapangyarihang mayroon siya?" ang saad naman ni Tommy.
"Hindi ko rin alam. Hahanapin ko muna sa silid-aklatan pagbalik natin." Sa wakas ay nagkaboses din si Calvin. Kanina pa kasi nito nalunok ang kaniyang dila.
Ang matanda naman ay tahimik lang na nanonood at pinakikinggan ang pag-uusap ng mga ito. Habang ang isang apo ay pinupunasan ang ate nito. Gusto nitong sagutin ang mga katanungang gumugulo sa isipan ng mga ito ngunit hindi niya iyon pupuwedeng ilabas. Wala siyang karapatan.
Nagsalita si Aryana, "Sabihin na nating isa ang kakayahan ko sa mga hindi mo pupuwedeng nakawin."
Ilan sa limitasyon ng kapangyarihan na ability absorption ay hindi nito magagawang nakawin ang mga kakayahang omnipotence, omnipresence, omniscience, at ang mga kabilang sa omni powers.
"Ngayon ako naman ang hahawak sa 'yo," ani Aryana habang lumalapit sa babae.
Humarang si Boots pero sinipa ito ni Aryana sa bandang tiyan. Ang layo ng inabutan ng lalaki at tumama ito sa malaking puno. Umubo-ubo at naglabas ng dugo sa bibig. Ginaya lang naman niya ang ginawa nito kay Lisa kanina. Kulang pa nga, e.
May super strength ang lalaki pero pasensiyahan na lang dahil kaya niya rin na lamangan ang lakas nito. Kahit kaya niyang gumawa ng iba't ibang kakayahan ay hindi naman basta-basta na lang siya gumagawa nang walang dahilan o paggagamitan.
"Napalakas yata." Tila ba wala lang iyon para kay Aryana. "Pero hindi ako hihingi ng paumanhin. Ginagamit ninyo sa kasamaan ang taglay ninyong kapangyarihan."
BINABASA MO ANG
The Saga Of Aryana
FantasySino? Ano? Bakit? Saan? Maliban sa kaalamang hindi siya normal, kinalakihan ni Aryana Deltacosta ang mga katanungang iyan. Kaya sa halip na mag-aral nang mabuti ay inihahanda niya ang sarili para sa pagbabalik niya sa mundong pinanggalingan. Ano'ng...