15 • Ability Absorption

2K 180 190
                                    

NAKABUSANGOT ANG MUKHA ni Ralph habang pinupunasan ang pisngi nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKABUSANGOT ANG MUKHA ni Ralph habang pinupunasan ang pisngi nito. Siya ang katapat ni Aryana kaya sa kaniya naibuga ang tubig.

        "Pasensiya na talaga," ani Aryana. "Hindi ko sinasadya."

        Tumingin sa kaniya si Ralph. Napalunok si Aryana. Ganoon pa rin ang itsura ng lalaki. Nagalit ba ito sa kaniya? Nagulat lang kasi siya nang marinig ang kapangyarihan ng Emo na 'yon, na siyang emperador pala ng mga demonyo.

        Halos kapareho ng kakayahan niya. Pero kung ikukumpara ang dalawa? Mas lamang ang kapangyarihan niya sapagkat ito ang perpektong anyo.

        Ang creación de habilidades (ability creation) ay maraming limitasyon. Kailangan ng nagtataglay ng kapangyarihan na ito ang matinding pagsasanay at lakas ng katawan. Minsan ay temporaryo lang ang naibibigay nitong kakayahan sa iba.

        "Pasensiya na talaga," ulit ni Aryana.

        Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi ni Ralph. "Pasalamat ka, maganda ka. Huwag kang mag-aalala, hindi ako galit. Alam ko namang hindi mo sinasadya."

       Nakahinga nang maluwag si Aryana. "Salamat," aniya.

        "Kainis ka, Ralph! Para mo na rin pinaparinig sa aking hindi ako maganda," singit ni Nina. "Mahawakan ko lang 'yang damit mo'y nagagalit ka agad sa 'kin."

        "Magpaganda ka muna para hindi ako magagalit sa 'yo kahit buhusan mo pa ako ng tubig," natatawang sabi ni Ralph. "Pero malabong mangyari 'yon kasi hindi na mababago 'yang mukha mo."

        Napangiti na lang si Aryana ngunit masasalamin sa mga mata niya ang inggit. Naiingit siya dahil hindi niya naranasang magkaroon ng kaibigan kahit isa. Hindi niya naranasang magkaroon ng kaasaran, kakulitan, katawanan, at kung ano-ano pa. Nagseselos siya sa mga ito dahil kahit nakikitang nag-aaway ay kitang-kita naman ang pagiging malapit ng mga ito sa isa't isa.

        Tulong! Tulungan n'yo ang apo ko. Dinukot siya nina Dora at Boots.

        Napalis ang ngiti ni Aryana at napatingin siya sa mga kasama. Mukhang siya lamang ang nakarinig sa sigaw at iyak. Mabilis niyang ibinalik sa loob ng kaniyang kabalyas ang lalagyan ng tubig at tumayo. Napatingin tuloy sa kaniya ang lima na may pagtataka sa mga mukha.

        "Aalis ka na, Aryana? Hindi pa nga tayo nakakain," ani Tommy.

        "Pasensiya na kayo. Kailangan kong umalis. May nangangailangan ng tulong. Kinuha raw nina Dora at Boots ang kaniyang apo," sagot niya at saka nagmamadaling lumabas ng kainan.

        Nagkatinginan ang apat samantalang si Victoria ay napataas ang isang kilay.

        "Ano ang problema ng matandang babaeng na 'yon?" saad ni Victoria. "Paano niya nalamang may nangangailangan ng tulong? Wala naman akong naririnig, a. At sino raw ang mga dumukot?"

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon