44 • Limang Elemento

1.7K 163 106
                                    

HINDI PA RIN NAWAWALA ang pagkakakunot ng noo ni Aryana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI PA RIN NAWAWALA ang pagkakakunot ng noo ni Aryana. Napakarami talagang bagay ang hindi pa niya alam. Bakit naman kasi hindi iyon ipinaliwanag sa kanya ng lolo at lola niya noong nasa mundo pa lang siya ng mga mortal? Kaya ito siya ngayon, binabaha ng mga bagong impormasyon. 

        "Oo, master, apat na pero sa tingin ko tatlo pa lang ang nagising o nagamit mo na. Ito iyong gintong plauta at isang mapa na kung saan nagsanib na. Patawad ulit, master. Dapat pala noong makita kong nasa iyo ang gintong plauta at ipinakita mo ang espada ay nakilala na agad kita pero nawala kasi iyon sa isip ko."

        "Ayos lang. Huwag mo na isipan pa. Sige na ituloy mo na ang mga dapat mong sabihin."

        Tumango muna si Victoria bago nagsalita, "Ang ikatlo ay iyong galing sa akin na pumasok sa katawan mo. Ang ikaapat ay hindi ko rin alam kung anong bagay ito. Ang mga nahating mahiwagang pergamino kasi ay nakatago sa iba't ibang uri ng kagamitan o kasangkapan upang ito ay mas mahirap hanapin."

        "Bakit nga pala kayo napaso noong nahawakan ninyo ang gintong plauta ko?" Naalalang bigla ni Aryana kaya itinanong na niya.

        "Ang mahiwagang pergamino ay kaya lamang hawakan ng isang maharlikang Orianian," sagot naman ni Victoria.

        "Ano ang ibig mong iparating? Paano malalaman na isang maharlikang Orianian?"

        "Ang mayroong kulay gintong mga mata ang siyang patunay na isang maharlikang Orianian. Kagaya sa iyo, master. Ang mga ordinaryong Orianian naman ay mayroong berdeng mga mata."

        Napatango-tango ng ulo si Aryana. Nagtataglay ng berdeng mga mata ang kanyang Lola Tanya, maging sina Antonia, Luciana, at Lola Jiya. Ibig sabihin ay mga Orianian ang mga ito.

        "Si Lucas din ay berde ang mga mata," biglang naibulalas ni Aryana.

        "Si Lucas?" nakakunot ang noong wika ni Victoria. "Kulay abo naman iyong mga mata niya na nakita ko pero baka nga isa rin 'yong Orianian na nagtatago para na rin sa sariling kaligtasan."

        Nagtaas-baba na naman ang ulo ni Aryana. Alam na niya ang tungkol sa bagay na iyan.

        Nagpatuloy sa pagsasalita si Victoria, "Ang moving star ay binubuo ng limang klase ng limang elemento. May pagkakaiba sila sa mga pangunahing elemento na madalas nating alam."

        "Hmmkay," aniya, sabayan pa ng pagtango-tango ng ulo. Ibig sabihin ay ang limang markang bituin niya ay katumbas ng limang elemento.

        "Ang mga elementong ito ay ang sumusunod: tubig, kahoy, apoy, lupa, at metal."

        "Ahmm . . . Victoria, dahil nasa akin ang tatak ng moving star, ibig bang sabihin ay kaya ko rin na gamitin ang mga elemento na ito?"

        "Oo naman, master! Dahil napagana mo na, kahit kailan o saan ay puwedeng-puwede."

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon