Prologo

4K 230 250
                                        

        Maliit pa lang ay alam ko nang hindi ako normal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Maliit pa lang ay alam ko nang hindi ako normal.

        Sa halip na sa eskuwelahan, isang training gym o gubat ang tungo ko. Espadang kahoy, arnis, pana at iba pang sandata ang hawak ko na dapat ay lapis at papel. Imbes na mag-aral nang mabuti, hinahasa ko ang sarili sa pakikipaglaban. Pinalalakas ang katawan para sa pagbabalik sa mundong aking pinanggalingan.

        Sa mga kadahilanang iyan ay hindi ko naranasan ang magkaroon ng kahit isang kaibigan. Pero kahit ganoon ay sinusubukan ko pa rin na mamuhay nang normal at makisabay sa agos ng panahon. May one like nga ang profile picture ko sa Facebook, e. Kung titingnan ay makikita mo roon ang 'You like this'. Sa Twitter at Instagram, kulilat ako. Zero follower kasi. Mabuti na lang bumawi sa Wattpad. Medyo sikat ako. May labing-isang followers ako. Sila iyong mga nag-follow back sa akin.

        Dahil nga umiikot ang mundo at tumatakbo ang oras ay dumating din ang araw na akoʼy magbabalik na sa mundo na kung saan nararapat ang isang kagaya ko.

        Limang daan at apat napuʼt anim na taon na rin kasi ang nakalipas nang lisanin ko ito. Nagulat ka ba? Ako nga rin, e. Hindi ko akalain na sobrang tanda ko na pala. Huwag mo ako tatawaging gurang ha? Ipapakain kita sa dalawa kong dragon, isama pa ang alaga kong puting tigre.

        Sa pagsisimula ng aking paglalakbay ay makikilala ko siya.

        Ang guwapo niya kaya lang . . . ang pangit ng ugali. Sinabihan pa akong huwag magpapakita sa kanya pero siya naman itong sulpot nang sulpot sa aking harapan.

        Makakikilala rin ako ng mga magiging kaibigan ko. Talagang nakadiin pa ang salitang 'mga' 'no? Sorry naman. Natutuwa lang ako. Masaya na masarap pa lang magkaroon ng mga kaibigan. Sana lang talaga'y totoo ang mga ito. Iyong makakasama ko sila sa hirap at ginhawa at sa lungkot at saya. Pamilyar ba ang linya? Narinig ko lang 'yan sa simbahan, e.

        Naranasan ko na rin sa wakas ang kung ano ang pakiramdam ng may minamahal. At ang mahalin pabalik? Hindi ako sigurado, e. Magkaiba kasi kami ng pinaglalaban at pinaniniwalaan. May itinakda na rin kasing iba para sa kanya. Naiinis ako. Pareho silang maganda at guwapo. Pareho rin ng ugali . . . masama. At gusto kong busalan ang mga bibig ng mga taong nagsasabing bagay sila. Hello? Tao kaya sila. Pero seryosong usapan. Gusto kong umapila sa director. Sana ako na lang. Sana kami na lang ang itinakda.

        Hindi naman siguro bawal ang managinip na dilat ang mga mata 'di ba?

        Kung wala talagang sasalo sa akin, palulutangin ko na lang siguro ang sarili ko para hindi ako mabalian.

        Marami pang mangyayari sa aking paglalakbay, mga problemang sosolusyunan, mga katanungang bibigyan ng kasagutan, at sekretong ibubunyag.

        Halos ipararamdam din sa akin ng mundong ito ang lahat ng klase ng emosyon.

        Gagawin ko rin ang lahat mapanatili lamang ang balanse ng dilim at liwanag.

        And I, Aryana Deltacosta, will show them the power of love . . . my love.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon