Sino? Ano? Bakit? Saan? Maliban sa kaalamang hindi siya normal, kinalakihan ni Aryana Deltacosta ang mga katanungang iyan. Kaya sa halip na mag-aral nang mabuti ay inihahanda niya ang sarili para sa pagbabalik niya sa mundong pinanggalingan.
Ano'ng...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
RAMDAM NI ARYANA NA PARA siyang nakalutang sa alapaap. Iyong pakiramdam na ang himbing ng kaniyang tulog kaya ang ganda ng gising niya. Parang nag-uumapaw sa enerhiya ang buong katawan.
Dahan-dahan siyang nagbukas ng kaniyang mga mata. "Omo!" Iyan agad ang lumabas sa bibig ng dalaga nang makita ang nasa harapan niya.
Nakalutang ang isang sandata na hindi niya alam kung ano ang tawag doon. Napangiti siya nang makitang naroon na ang puting perlas. Ibig sabihin, nagtagumpay siya. Mabilis niya iyong kinuha. Pagkalapat pa lang ng kaniyang kamay ay ramdam agad nito ang napakalakas na enerhiyang dumaloy pakalat sa buong katawan niya. Nagbago ng anyo ang sandata at iyon ay naging pulseras na kung saan kusa iyong naisuot sa kaniyang kaliwang kamay. Ganoon pa rin naman ang itsura, ang pinagkaiba lang ay luminis, kumintab, at may bato na itim at puti sa magkabilang dulo.
Naigalang bigla ni Aryana ang kaniyang tingin sa paligid. Nasa labas na siya. Sa pagkakatanda kasi niya'y nasa loob siya ng palasyo at hinigop ng puting lotus. Paano siya nakalabas? Ngunit agad din nasagot ang kaniyang tanong nang makita ang bulaklak na tinutuntungan.
Tumingin siya sa unahan. Sampung pares ng mga mata ang nakatutok sa kaniya. Agaw-pansin din ang mga bughaw na balabal na suot ng mga ito, na tila ba sinasabayan ang galaw ng hangin.
Lumingon siya sa bandang kanan. "Blaze?" Pagkakita sa kaniyang puting tigre ay may napagtanto siya, kaya sila nandito dahil sa kaniyang nagawa.
Mabilis siyang kumilos.
Napanganga ang ilan at nagkatinginan. Napakunot ang noo ng iba dahil sa ginawa ni Aryana. Kabaliktaran iyon sa inaasahan o iniisip nilang gagawin ng dalaga.
Tatlong beses itong yumuko. Iyong yuko na halos maghalikan na ang noo at mga tuhod nito.
Huminga muna nang malalim si Aryana bago siya nagsalita, "Alam kong nandito kayo para hulihin ako o baka nga patayin. Pero bago kayo kumilos, pakinggan n'yo muna ang sasabihin ko."
Nakita niyang walang nagsalita o nagbalak na pigilan siya, kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita. "Una, hindi lang buhay ko ang nakataya kung 'di pati na rin ng nakararami kaya ko kinuha ang puting perlas na matagal na ninyong binabantayan. Maiintindihan n'yo rin ako balang-araw. Sabihin na nating isa akong good thief. Masama ang pagnanakaw subalit may mabuting paggagamitan o hangarin sa likod niyon."
Itinuon ni Aryana ang tingin sa apat na disipolo. Sa maikling panahon na sila'y nakasama niya ay naging masaya siya, kaya naman kahit ayaw ng mga ito sa kaniya ay itinuring pa rin niya silang kaibigan.
"Pangalawa, alam kong iniisip ninyong isa akong traydor. Pasensiya na."
Naalalang bigla ni Aryana iyong araw na isinama siya sa misyon. Pinagdudahan siyang pumasok sa Academia de Lucius para mag-espiya.