22 • Mineral Manipulator

1.9K 188 159
                                    

NANG MAKITA NI ARYANA na bumalik na sa normal ang mga mata ni Four ay napahinga siya nang maluwag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG MAKITA NI ARYANA na bumalik na sa normal ang mga mata ni Four ay napahinga siya nang maluwag.

        Nilingon niya si Victoria na basang-basa at umuubo habang dinaluhan ito ng apat.

        "Ano ang ibig sabihin nito, Aryana?" may bahid ng galit na saad ni Calvin.

        "Kasamahan mo ba sila?" ani Tommy.

        "Pumasok ka ba sa Academia de Lucius para mag-espiya?" tanong naman ni Nina.

        "Isa ka ba sa kanila?" saad naman ni Ralph.

        "Bakit n'yo pa siya tinatanong? Halata namang mga kasama niya 'yan. Pinagtanggol nga siya ng dragong bughaw ng Academia de Sedna!" bulalas naman ni Victoria.

        Napatingin lang si Aryana sa lima. Bakit ganoon mag-isip ang mga ito? Porket kilala niya si Four at ipinagtanggol ay ganoon agad ang itatanong sa kaniya? 'Di ba dapat tanungin muna siya kung bakit niya kilala si Four? O kaya'y paano sila nagkakilala? Ni hindi nga niya alam na magkalaban pala ang mga ito.

        Biglang nagsalita si Four, "Kayo ay wala pa rin ipinagbago. Kayo ay pareho-parehong lahat mga Luciusian. Akala n'yo kayo ay mabubuti na at kami ang masasama. May makita lang kayong madikit sa amin ay kalaban na agad ang inyong tingin. Kayo ang tinaguriang tagapagpalaganap ng kabutihan at tagawaksi ng kasamaan pero ano itong pinapakita ninyo? Ano itong lumalabas sa bibig ninyo? Kayo ay aking tatanungin, ano ba para sa inyo ang kabutihan? Ano ang kasamaan?"

        Parang gustong bigyan ni Aryana ng tatlong palakpak si Four. Ito ba talaga iyong nakilala niyang masungit?

        "Four!" tawag ni Tris dito. Naglakad ito palapit sa kanila at ang sama ng tingin nito kay Aryana. Kasunod nito ang isang lalaki.

        "Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng 'yan?" Itinuro nito si Aryana. "Huwag kang makisawsaw sa away nila. At ikaw!" Hinarap nito ang dalaga. "Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa 'yo noong hinatid ka namin ni Four sa La Martina?"

        Kapag nakita kitang dumikit ulit kay Four, gagawin kitang abo! Iyan ang sinabi ni Tris sa kaniya noon.

        "Hindi ko matandaan, e. Pasensiya na. Mahina kasi ang memorya ko," sagot niya at nginitian pa ang babae. Lumayo rin siya rito. Mahirap na. Isa rin itong naiinis sa kaniya. E, kung pag-uumpugin niya kaya ang ulo nito at ni Victoria? Parehong naiinis sa kaniyang kagandahan.

        "Iniinis mo ba ako? O gusto mong matikman ang kapangyarihan ko?" galit na ani Tris. Nagpalabas pa ng apoy sa magkabilang palad. Pulang-pula na ang mga mata nito at nagliliyab ang ulo pero hindi naman nasusunog ang pulang buhok.

        "Tumigil ka, Tris! Walang ginagawang masama sa 'yo si Aryana," saway ni Four dito.

        Mas lalo tuloy nainis si Tris. Pakiramdam nito mas pinapaboran ng lalaki si Aryana. Siya ang nakatakdang maging kabiyak nito kaya dapat siya ang kinakampihan ni Four. Mas lumaki pa ang mga apoy na ginawa nito at walang babalang ibinato patungo kay Aryana.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon