Huling Kabanata

2K 166 91
                                    

NANG MAKITA NG HARI ang pagtango ni Aryana ay tuluyan na itong pumasok sa apoy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG MAKITA NG HARI ang pagtango ni Aryana ay tuluyan na itong pumasok sa apoy.

        Hindi pa nga tuluyang naglaho ang bughaw na apoy ay bigla naman natigilan si Aryana.

        Nag-teleport si Victoria sa kaniyang harapan at walang paalam na niyakap siya nito nang mahigpit. Gusto niya itong itulak palayo bagamat 'di magawa nang marinig ang mahinang hikbi nito.

         "M-master. . . " garalgal ang boses na bigkas nito, sabayan pa ng pagsinghot-singhot.

        "Lumayo ka sa 'kin, Victoria!" utos niya rito. Hindi siya sanay sa ganitong mga eksena.

        Sa halip na kumalas ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. "M-master . . . Ipapakilala na ako ni ama bilang anak niya," anito, at saka lumakas pa ang pag-iyak.

        Napabuntong-hininga si Aryana. Hahayaan na lang muna niyang basain ni Victoria ng luha ang kaniyang balikat. Tutal naman, umiiyak ito dahil sa labis na tuwa.

        "Aryana! Aryana! Aryana!"

        Gumuhit ang ngiti sa labi ni Aryana samantalang napakalas naman si Victoria. Mabilis din nitong pinahiran ang luha't inayos ang sarili.

        "Aryana! Aryana!"

        Ang ngiti sa labi ni Aryana ay dahan-dahang lumaki hanggang sa naging tawa na.

        Si Treedyosa ang tumatawag sa kaniya. Tumatakbo ang puno kaya naman bahagyang gumagalaw ang lupa.

        Natatawang sinenyasan ni Aryana sina Calvin, Tommy, Ralph, at Nina. Paano ba naman, parang nakakita ng kaaway. Nagkaniya-kaniyang porma at labas ng kanilang mga sandata. Nang makita nila ang ginawa ni Aryana ay umayos din naman sila't muli iyong itinago.

        "Ate! Ate! Ate!"

        Iyong mahinang tawa ni Aryana'y naging halakhak na. Si King Kong naman ang tumakbo papasalubong kay Treedyosa.

        "Gori! Gori! Gori!"

        Nang magkatagpo ay naghawak-kamay ang dalawa at sabay pang tumalon-talon. Parang mga bata na ang saya-saya. Walang pakialam na lumalakas ang pagyanig ng paligid dahil sa ginagawa nilang pagtalon-talon.

        Napahawak si Aryana sa kaniyang tiyan. Tila ba sumakit iyon dahil sa kakatawa. Hindi niya lubos maisip na nakatatawa pa lang panoorin ang ginagawa ng isang gorilla at puno.

        "Babaeng maliit, tiyan mo ba'y masakit?"

        Tiningnan niya ang lalaking malaki na bigla na lang sumulpot sa kaniyang harapan. Nakaguhit sa mukha nito ang pag-aalala. Sa halip na umayos ay mas lalo tuloy siyang natawa. Sobrang madrama man kung pakinggan pero natutuwa siya—nakatutuwa ang ipinapakita nitong pag-aalala sa simpleng paghawak lang sa kaniyang tiyan.

        "Kayong dalawa'y tumigil na nga!" may kalakasang bigkas ni Four.

        Bagamat tila walang narinig sina Gori at Treedyosa dahil patuloy pa rin ang dalawa sa pagtalon-talon.

        Napailing na lang si Aryana nang makitang ang sama ng tingin ni Four. Baka ilang sandali lang ay lulunurin nito ang dalawa.

        "Treedyosa!" pagtawag ni Aryana.

        Agad napatigil si Treedyosa at saka malakas nitong itinulak si Gori.

        "Aryana! Aryana!" masayang sigaw nito habang tumatakbo. Ni hindi na nga nito nilingon si Gori na napaupo sa lupa na gulat na gulat pa sa ginawa ng ate nito.

        Tumigil ito nang isang metro na lang ang kanilang pagitan. Pagkatapos ay inihalukipkip ang mga sanga na kamay at pinatulis ang kahoy nitong labi.

        "Bakit ang tagal n'yo naman, Aryana? Baka lumamig na 'yong niluto ni ina."

        Ngumiti nang malawak si Aryana. "Kung gano'n humayo na tayo't nagugutom na ako."

        Tuwang-tuwa naman si Treedyosa at initango-tango ang ulo at saka nito hinila paalis si Aryana. "Sumunod kayong lahat sa amin!" malakas na sigaw nito.

        Nagsinuran naman ang mga kasama nila. Malayo-layo na rin ang nalakad nila nang biglang huminto si Aryana nang mapansing may kulang sa kanila. Inalis niya rin ang kamay ni Treedyosa na nakahawak sa kaniya. Nagtataka man ang puno sa ginawa niya'y nagpatuloy naman ito sa paglalakad.

        Nagsalubong ang mga kilay ni Aryana nang makitang nandoon pa rin si Four nakatayo. Nakahalukipkip at ang sama ng tingin.

        "Ano'ng drama mo, lalaking malaki?" tanong niya matapos makapag-teleport sa harapan nito.

        Hindi siya nito sinagot kaya sinubukan niyang basahin ang isipan nito't bigla na lang siyang napahalakhak.

        "My god, Four! Nagseselos ka dahil magkahawak-kamay kami ni Treedyosa habang naglalakad?" bigkas niya na natatawa.

        Sinamaan siya nito ng tingin.

        Hindi niya pinansin ang masama nitong tingin. "Maloloka ako sa 'yo, lalaking malaki! Gusto mo lang pa lang makipag-HHWW sa akin," aniya, hinawakan ang kamay ng binata at saka na ito hinila paalis.

        Nang tingnan niya si Four ay may nakapaskil nang ngiti sa labi nito. Napapalatak na lang si Aryana.

        Nag-iinarte ang lalaking malaki.

        "Pero, babaeng maliit... Ang HHWW ay ano?"

        "Kung ano ang ginagawa natin ngayon, lalaking malaki."

        Bigla namang binagalan ni Victoria ang kanyang paghakbang hanggang sa tuluyan siyang tumigil. Naipagpasalamat niyang walang nakapansin sa kanya.

        Nakaguhit ang ngiti sa kanyang mga labi bagamat maaaninag ang kaunting lungkot sa mga mata niya. Masaya siya dahil sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay niya simula nang maging master niya si Aryana. Muli niyang nilingon ang kanilang pinanggalingan at bigla siyang napahinga nang malalim. Kilala niya si Tris. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.

        Ibinalik niya ang tingin sa mga kasama at tumagal ang tingin niya kina Aryana at Four na magkahawak-kamay na naglalakad.

         Muli siyang napangiti ngunit naroon pa rin ang kaunting lungkot sa mga mata niya. Hindi maiwasang 'di mag-alala.

       Mahaba-haba na ang naging paglalakbay ni Aryana subalit magsisimula pa lang ang kuwento ng pag-ibig nito. 

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon