34 • Nakatakdang Kanang Kamay

1.7K 172 123
                                    

MAGKASABAY NA NAPATINGIN sina Victoria at Tris sa pinanggalingan ng boses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAGKASABAY NA NAPATINGIN sina Victoria at Tris sa pinanggalingan ng boses. Kapwa nanlaki ang kanilang mga mata. Pinaglipat-lipat nila ang tingin sa nagsalita at sa babaeng nakagapos sa may kaliwa ni Victoria.

        "Ar—" Hindi itinuloy ni Victoria ang sasabihin. May bigla siyang naalala. Malamang hindi siya ito, aniya sa isipan nang maalalang nagpanggap na Aryana si Shanaya.

        "Sino ka?" malakas na ani Tris. Nagpalabas ito ng apoy sa kanang palad na halong kulay itim. "Ipakita mo ang tunay mong anyo kung ayaw mong gawin kitang abo!"

        Dinama ng kaniyang mga palad ang mukha niya pagkatapos ay nakakunot ang noong tiningnan si Tris. "Wala namang mali sa mukha ko, a, para hindi n'yo ako makilala."

        Si Tris at Victoria naman ngayon ang nakakunot ang mga noo. Pinaglipat-lipat pa nila ang tingin sa babae at sa katabi ni Victoria.

        "Kung gano'n ay kaya niya rin na paramihin ang kaniyang sarili. Sino ka bang talaga, Aryana?" ani Victoria sa isipan habang hindi inihihiwalay ang mga mata sa dalaga.

        "Wala na akong pakialam kung sino ka bang talaga. Mamamatay ka rin naman ngayon sa mga kamay ko!" galit na saad ni Tris at saka ibinato patungo kay Aryana ang apoy na nasa kamay nito.

        Bumilog ang mga mata ni Victoria sa sunod na nakita. Ikinumpas lang ni Aryana ang kaliwang kamay at bumalik iyon palipad kay Tris at naglaho nang mahawakan nito. Nagpakawala ulit ang dalaga ng dalawa at mas malaking bilog na apoy. Subalit, sa isang kumpas lang ni Aryana ay bumabalik din ito na mas lalong nagpakulo sa dugo ni Tris.

        "Wala akong sapat na oras para labanan ka kaya pasensiyahan na lang muna tayo." Iniangat ni Aryana ang kaniyang kaliwang kamay at itinuon iyon kay Tris.

        Napaawang ang bibig ni Victoria sa nakita. Umilaw ang kaliwang kamay ni Aryana at may kulay gintong kadena ang lumabas doon patungo kay Tris at mabilis na pumulupot sa katawan nito. Nagsimulang umusbong ang takot sa mga mata ni Victoria nang magsimulang gumapang ang itim na parang usok sa kadena patungo kay Aryana at hinihigop iyon ng katawan nito.

        Nagpupumilit namang makawala si Tris sa nakagapos sa kaniya at walang tigil sa pagsigaw ng, 'Pakawalan mo 'ko!'

        Itiniklop ni Aryana ang kaniyang palad at ang kadena'y dahan-dahang umaatras pabalik sa kaniya.

        Nang tuluyang makawala si Tris sa nakagapos sa kaniya'y bumagsak sa sahig ang walang malay na katawan nito.

        Nanginginig ang mga tuhod ni Victoria habang nakatingin sa mga mata ni Aryana. Iyon ang unang beses na makakita siya ng purong itim na mga mata. Palagi niyang ipinakikita sa lahat na wala siyang kinatatakutan. Kahit nga noong pagkatapos burahin ni Laluna ang kaniyang kapangyarihan ay hindi niya pa rin ipinakitang nanghihina siya. Subalit, sa mga sandaling iyon ay kinain na yata lahat ng sahig ang natitira pa niyang katapangan. Lalo na nang naglakad palapit sa kaniya si Aryana. Inilabas pa nito ang gintong plauta at saka iwinasiwas at naging espada na.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon