18 • Mga Mata ng Arureina

2K 180 126
                                    

ILANG SANDALI LANG ay nararamdaman na ni Aryana ang unti-unting pagkawala ng init sa kaniyang likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ILANG SANDALI LANG ay nararamdaman na ni Aryana ang unti-unting pagkawala ng init sa kaniyang likuran. Maging sa kaniyang mga mata. Subalit, ramdam pa rin niya ang hapdi.

        Nang tuluyang mawala ang mainit na nararamdaman ay bumangon na siya't hinayaang maupo muna sa sahig. Para siyang tumakbo nang malayo. Hinihingal siya at nanunuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa pagsisigaw niya.

        Nang maging banayad na ang kaniyang paghinga, dahan-dahan niyang ibinukas ang mga mata. Ang laylayan ng mahabang damit ng matanda ang kaniyang unang nakita. Tinulungan siyang makatayo ng matanda. Nang magkapantay na ang kanilang paningin ay napatingin ito sa kaniyang mga mata. Napaatras ito nang kaunti, kaya naman mabilis siyang humarap sa salamin para makita ang mga mata niya. Napaatras din siya.

        "Bakit ganito ang mga mata ko?"

        Ang kanang mata ay puti ang kulay ng sclera na may mga maliliit na ugat na kulay ginto. Tapos ang iris ay ginto rin pero ang pupil ay puti. Ang kaliwang mata ay itim ang sclera na may gintong maliliit na ugat. Ginto rin ang iris samantalang itim ang pupil.

        "Iyan ang ika-apat na klase ng iyong mga mata. Ang mga mata ng isang Arureina."

        Narinig na naman niya ang salitang arureina. Hinintay niyang ipaliwanag iyon ng matanda pero mukhang wala itong balak.

        "Sige na, Aryana. Tapusin na natin ito. Tumatakbo ang oras."

        "Sige po," sagot niya at muling hinarap ang mapa.

        Hindi nga iyon isang ordinaryong mapa lang. Parang nakikita talaga niya ang aktuwal na Arun. Buhay na buhay. Sa kanang bahagi ay may mga puting usok na gumagalaw. Kabaliktaran naman nito ang nasa kaliwa. Itim iyong mga usok at may mga natutulog na...

        Napatingin siyang bigla kay Lola Jiya. Ngumiti ito sa kaniya.

        "Tama ka ng naiisip, Aryana. Ang nakikita mo sa mapa na natutulog na mga dragon ay kapareho ng nasa iyong likuran. Maliban sa isang itinakdang magiging kanang kamay mo, ang dalawang dragon na ito ang tatayo sa likuran mo. Alam kong matalino ka, Aryana. Ikaw na ang bahalang magtagpi-tagpi ng iyong mga nalaman."

        Napabuntong-hininga si Aryana. Bakit pakiramdam niya mas nagiging komplikado ang kaniyang buhay?

        "Kailangan ko pa ba talagang pumasok sa Academia de Lucius para lang makuha ang puting perlas?" naitanong bigla ni Aryana.

        Tumango ang matanda. "Kailangan iyon, Aryana. Mahigpit ang seguridad ng Academia de Lucius. Walang basta-basta nakakapasok. May matibay na harang ang kanilang teritoryo. Sa ngayon hindi mo pa iyon kayang gibain. Ang nawawalang pulang lawa ay matatagpuan sa sakop ng kanilang lupain. Hanapin mo ang puting puno na may mga pulang dahon. Iyon ang palatandaan na nasa malapit lang ang nawawalang pulang lawa. Kung paano mo ito palilitawin ay wala akong alam."

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon