03 • Itim na Perlas

2.6K 206 276
                                    

PATULOY SA PAGGAPANG si Aryana hanggang sa nakarating siya sa isang punong may kulay gintong katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PATULOY SA PAGGAPANG si Aryana hanggang sa nakarating siya sa isang punong may kulay gintong katawan. May mayabong na halaman sa tabi nito na kulay lila ang mga dahon. Hinay-hinay siyang sumilip. Dalawang tao ang kaniyang nakita. Ang isa, may purong itim na kasuotan at may takip sa mukha. May hawak itong espada na may bahid ng dugo. May punit ang damit sa may balikat, kaya kita niya ang tattoo rito na parang letrang 'R'.

        Idinako niya ang tingin sa isa. Isang babaeng mayroong magandang mukha at hubog ng katawan. May hawak din na espada. May mga hiwa ito sa balikat, sa tiyan, sa likod, at binti. Malalim na rin ang paghinga ngunit hindi makikitaan ng takot ang mga mata.

        Kapahamakan. Iyan ang isinisigaw ng sitwasyon.

        Katangahan. Iyan naman ang sigaw ng kaniyang utak.

        Kagagahan. Paniguradong iyan ang isisigaw ng kaniyang Lola Tanya kung saka-sakali man na buhay pa ito at nalaman ang pinaggagawa niya.

        Subalit, sa halip na gumapang palayo ay nanatili siya sa pinagtataguan. Nakasilip siya na para bang isang palabas lang ang nagaganap.

        "Nagsasayang ka lang ng panahon. Wala sa akin ang hinahanap mo. At kung nasa akin man ay hindi ko ibibigay sa 'yo kahit patayin mo pa ako," anang babae.

        "Masyado kang matigas, Antonia. Pinipilit mo talaga akong tapusin ka!" ang saad naman ng lalaki.

        "Subukan mo kung kaya mo nga ba akong patayin," sagot naman ng babae. "Tapusin na natin 'to dahil may gagawin pa ako."

        Itinusok ng babae ang espada sa lupa. Sinimulan nitong ikumpas ang mga kamay at umangat ang espada. Muli nitong ikinumpas ang kaniyang mga kamay at kasunod niyon ay binalot ng naglalagablab na kulay dilaw na enerhiya ang espada. Gumalaw iyon at ang matulis na bahagi ay nakatutok sa direksiyon ng lalaki. May humiwalay na kaparehong espada at nadagdagan pa ng isa at isa pa hanggang sa naging sampu lahat. Kumumpas muli ang babae at sabay-sabay na mabilis lumipad patungo sa lalaki ang mga espada.

        Agad namang nakagawa ng itim na harang ang lalaki. Samantalang ang babae ay pumikit at ikinumpas paikot ang mga kamay. May nabuong bilog na kulay dilaw na enerhiya sa pagitan ng mga palad nito at malakas iyong ibinato patungo sa kalaban.

        Napaatras naman ang lalaki at malapit na rin magiba ang harang nito. Napahakbang muli ang isang paa nito paatras.

        Dinagdagan pa ng babae ang enerhiyang pinakawalan kaya tuluyang nasira ang depensa ng lalaki. Napaatras ito ng mahigit tatlong metro at nakagawa ng linya sa damuhan. Natamaan ang kanang dibdib nito. Nang maglaho ang espada ay umagos ang masaganang dugo na agad namang tinakpan ng lalaki gamit ang kanan nitong kamay.

        Lumuwa ng dugo ang lalaki at saka pinukulan nito ng nakamamatay na tingin ang babae. "Hindi pa tayo tapos, Antonia! Babalikan kita!" galit na saad nito at biglang naglaho.

The Saga Of AryanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon