Sino? Ano? Bakit? Saan? Maliban sa kaalamang hindi siya normal, kinalakihan ni Aryana Deltacosta ang mga katanungang iyan. Kaya sa halip na mag-aral nang mabuti ay inihahanda niya ang sarili para sa pagbabalik niya sa mundong pinanggalingan.
Ano'ng...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NANATILING WALANG REAKSIYON ang mukha ni Four habang nakatingin kay Aryana. Hawak-hawak pa rin ng dalaga ang tagiliran nito't nakatingala sa kaniya. Bakit? Iyan ang katanungang makikita sa kulay kayumangging mga mata ng babae.
Dinaluhan ng mga kasamahan niya ang dalaga. Lahat ay galit na galit na nakatingin kay Four. Pareho-pareho lang ng tanong ang mga ito. Bakit ba nito sinaksak ang dalagang wala namang ginawang masama sa kaniya?
Mabilis na nilapitan ito ni Looney. Hinawakan nito sa magkabilang balikat ang lalaki. "Four!" malakas na sigaw nito't niyugyog nang napakalakas ang kaibigan. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Bakit mo 'yon ginawa?"
Tinabig lang ni Four ang mga kamay ng kaibigan at saka naglakad ito palayo. Lumapit ito sa isang malaking bato at saka naupo at isinandal ang likuran. Napahawak ito sa kanang dibdib na bahagyang naninikip. Ramdam din nito ang panginginig ng kalamnan niya at medyo nanlalabo ang kaniyang paningin. Subalit, umakto itong normal dahil kina Looney at Gori na nasa harapan nito.
PINAGTULUNGAN NG APAT si Aryana pabalik sa kanilang pinagpuwestuhan.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko, e," ani Victoria na paroo't parito. "Ano ang gagawin natin sa kaniya?"
Ginulo-gulo naman ni Ralph ang buhok nito. "Wala tayong dalang puwedeng ipangamot sa kaniya," wika nito.
"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap."
Lahat sila'y natigilan maliban kay Four. Kilala nila ang boses. Hindi sila pupuwedeng magkamali. Halos sabay-sabay pa nilang tiningnan ang nagsalita.
"Sino ka?"
Tinaasan ng kilay ng bagong dating ang tanong ni Victoria. "Nabagok ba ang ulo mo't hindi mo na ako makilala? Sa pagkakatanda ko'y palagi mo akong tinatawag na matandang babae."
Napanganga si Victoria. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaharap at ang kasama ng apat. Ganoon din naman ang ginawa nina Tommy, Calvin, Ralph, at Nina.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" biglang naituran ni Tommy.
Maging sina Looney at Gori ay nagulat sa kanilang nakita.
"Bakit ganyan kayong lahat makatingin sa akin?" Nagtataka na siya sa inaasta ng mga kasamahan. Pati nga kabilang grupo ay pareho ng reaksiyon. May nangyari bang kakaiba? Ang naitanong niya sa isipan.
Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito. Napaawang ang bibig niya sa nakita. Totoo ba 'to? Bakit ang ganda niya? Pero seryoso. Nakikita lang naman niya ang sarili. Simula kasuotan, kulay ng balat, buhok, at kagandahang taglay ay parehong-pareho sa kaniya.
Pero ang awra nito'y kakaiba. Saglit niyang tiningnan ang mga kasamahan. Ano'ng problema ng mga pandama ng mga ito? Malakas ang itim na awra ng babaeng gumagamit ng kaniyang mukha pero bakit hindi nila iyon naramdaman?