SEVEN: DATING

214 32 0
                                    

I woke up earlier than usual. Hindi ako makatulog ng maayos. Kaya inubos ko na lang ang oras ko sa paliligo at pag aayos. Naka uniform na ko at bumaba na para kumain.

I kissed Mom and Dad's cheeks and exchanged our greetings bago ako naupo. Nilagyan na ni Yaya ng pagkain ang pinggan ko at nag simula na akong kumain.

"Maagap ang pasok mo, anak?" Dad asked. I simply nodded, kahit na isang oras pa bago magsimula ang klase.

"Ah, c-can I play po sa inter-high? Matagal pa naman po yun. Naisip ko lang," dahan-dahang tanong ko.

Natigilan si Mommy at bumaling sakin. "Hindi ba yan makakaapekto sa pag aaral mo?"

Umiling ako at inintay ang sagot nila "Okay then. Ikaw bahala, basta ang pag aaral mo ha. Acad first"

Tumango-tango si Daddy, sign that he agreed. As usual, he loves me so much kaya di nya ko matatanggihan.

"Do your best, hija. We're here to support you," he tapped my head and I just smiled at him.

Approved na sa parents ko kaya wala ng problema. Tsaka na lang ako mag di-decide pag malapit na.

+

Tinapos ko na ang pagkain ko at nag ayos ulit for my finishing touch. I sprayed my perfume and I'm done! I glanced at my mirror to see my face, Perfect!

Sumakay na ko sa Porsche ko at nag drive na papuntang school. I parked my car sa spot ko at kinalas ang seatbelt. Bago ako bumaba ay nag spray muna ako ng mamahalin kong pabango.  I walked like a model in a fashion show. Habang parang musika sa aking pandinig ang mga bulungan. I smirked. Ganyan nga, mainggit kayo.

Nang makarating ako sa classroom ay may iilan na kong kaklase pero wala pa si Deffi. Isa sa ayaw ko kapag pumapasok ako ng maagap. Wala kong makausap, gosh!

Pinagtuunan ko muna ng pansin ang likod ng aking notebook. Maya-maya pa ay dumating na si Deffi.

"Bakit ngayon ka lang?" I asked while still scribbling something on my notebook.

"Maaga pa kaya! Tsaka alam mo ba, I saw your crush," she giggled at himpas-hampas ang braso ko. Crush? Meron ba kong crush?

"Pwede bang tigilan mo ko? Ang aga-aga puro ka kalokohan. Wala naman akong crush," I rolled my eyes napa halumbaba na lang.

"Wala? Si Cleo kaya!" she laughed and squeezed my cheeks. Gosh! She's too much!

"Wala kong gusto kay Cleo, pwede ba?" walang gana kong sagot.

"Don't deny it. Magkasama na tayo noon pa lang kaya kilala na kita," tuloy-tuloy na salita nya.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon