TWENTY ONE: CLEO AGUILAR

164 21 0
                                    

Papasok na ko sa isang maliit na iskinita, pauwi sa bahay namin. Maingay at magulo idagdag mo pa na may mga nag iinuman at naka tambay. Mababait naman sila, sa ilang taon ko rito ay nasanay na ko sa paligid ko.

"Kuya Cleo, May barya ka?" tanong ni Toto habang hinihila ang laylayan ng damit ko.

Yumuko ako hinawakan ang balikat nya. "Ipang susugal mo na naman?"

"Hindi po kuya. May sakit po kasi si mama. Bibili lang po ako ng pagkain," mahinang tugon nya habang kumakamot sa ulo. Kapag usapang Nanay ay talagang nag iiba ang pakiramdam ko.

Binigyan ko sya ng pera na nasa wallet ko.  Mabuti na lang at nag part-time ako sa isang fast food. "Ibili mo ng pagkain. Kapag kasya pa ay bumili ka ng gamot"

"Salamat po kuya Cleo. Ang bait mo talaga! Bagay kayo ni Ate Brenna"

Nginitian ko lang sya at umalis na. Si Brenna ay kaibigan ko na noon pa. Nag kakilala kami noong pumunta sila sa bahay, si Nanay ay kaibigan ng Mama nya.

Bata pa lang ako alam ko na, na di ako tunay na anak ni Nanay at Tatay. Di sila mabigyan ng anak kaya maswerte raw sila dahil ipinagkaloob ako sa kanila. Kahit ganon ay di ko naramdaman na di nila ako tunay na anak.

Binihisan nila ako at pinag aral. Hindi man marangya ang buhay ay naging kontento na ako at wala ng hahanapin pa. Pina rehistro nila ako ng bago bilang anak nila. Hindi nila binago ang pangalan ko at tanging apelyido lang ang naiba sakin. Mabuti na rin para mahanap ako ng totoo kong magulang kung sakali man na nag hahanap sila. Kung hindi naman ay ayos lang dahil masaya na ko sa buhay ko ngayon. Maliit na barong-barong lang ang bahay namin at kapag umuulan ay nag tutulo pa. Madalas na ulam namin ay mga de lata lamang pero kapag sumusweldo si Tatay ay nakakabili kami ng lutong ulam o di kaya ay nakakapag luto si Nanay ng masarap. Hindi rin ako nabibigyan ng mga luho. Malayong malayo sa buhay ko noon.

"Cleo, anak! Bakit ngayon ka lang?" bungad ni Nanay at nag mano muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. May katandaan na sya at madalas na ring dapuan ng sakit.

"Nag part-time po ako sa isang fast food," nangingiting sagot ko.

"Bakit ka pa nag trabaho anak. Di ba sabi ko sayo ay huwag na. Mapapagod ka lang," naiiling na sermon nya habang nag sasalin ng maiinom.

Ayaw talaga nila Nanay at Tatay na mag trabaho pa ko pero ano namang silbi ko kung hahayaan ko lang ang Nanay at Tatay na mahirapan.

Masaya ang buhay naming tatlo. Hanggang sa namatay si Tatay dahil sa pakikipag sagupaan sa isang suspect na nahuli nila. Pulis si Tatay at may mataas na ranggo. Gusto ko ang trabaho ni Tatay kaya pinangarap kong maging katulad nya pag tanda ko. At dahil nga wala na si Tatay, ako na ang naging sandalan ni Nanay.

"Cleo, mag empake ka na. Aalis na tayo rito," nag mamadaling utos ni Nanay habang nag aayos ng mga gamit

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon