Maya-maya pa ay bumaba na kami. Napatingin ako sa paligid ko. Ang daming mga batang nag lalaro, maingay at mukhang masaya. Napangiti ako habang nag mamasid. Ang dami kong bagong karanasan dahil kay Cleo.
Hawak nya pa rin ang kamay ko at ang kabila nyang kamay ay dala ang prutas na binili ko para kay Nanay. Habang nag lalakad ay pinag titinginan kaming dalawa.
"Girlfriend mo, Cleo?" tanong ng lalaki na nag iinom kasama ang mga iba pa. Mukha silang nakakatakot tsaka ang agap naman ng alak nila?
"Oo," simpleng sagot ni Cleo. Kaibigan nya siguro kaya nginitian ko na lang sila, nakakahiya naman kung ngayon pa ko mag iinarte. Nakita kong nakatingin pala sakin si Cleo. Sinamaan nya ko ng tingin at hinila paalis. Ang harsh naman nya sa mga kaibigan nya.
Napahinto kami sa isang bahay na may kawayan na gate. Tinulak nya ang pinto at pumasok, pumasok na rin ako at iginala ang tingin. May malawak na bakuran at puro tanim. Ang bahay ay hindi sementado, mababa ang bubungan at hindi kalakihan ang sukat.
"Pasensya ka na sa bahay namin, yan na muna sa ngayon. Pag nakapag pulis ako ay mag papagawa ako ng mas malaki dyan," natatawang sambit nya. One thing na hinangan ko, he's dedicated. Sana kasama nya pa ko hanggang sa makamit nya lahat ng gusto nya.
"Anak? Nandyan ka na ba?" dinig kong tawag mula sa loob.
"Halika na," hinila nya ko papasok. Nakita ko ang loob ng bahay nila, sobrang linis at maaliwalas. Ngayon lang ako naka apak sa ganitong bahay. Maliit pero maganda, kung tutuusin ay gusto ko sa ganito.
Bumungad sakin ang kanilang sala, may maliit na tv at electric fan. May kahoy na upuan at lamesa. Sa Mahabang upuan ay doon nakahiga ang kanyang Nanay.
"Nay, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Cleo at lumapit sya sa inuupuan ng Nanay nya. Kitang-kita ko ang pag mamahal sa mga mata ni Cleo. Napalapit na nga talaga sya sa nagpa laki sa kanya.
Tumayo sya ipinakilala ako. "Nay, si Eli po. Girlfriend ko"
Nakatitig sakin ang Nanay nya at naluluhang ngumiti. Tumabi ako sa inuupuan nya at hinawakan ang mga kamay nya at nag mano. "Magandang araw po, Nay. May dala po akong prutas para sa inyo. Mag pagaling po kayo"
Bumitaw sya sa pag kakahawak ko at hinawakan ang pisngi ko. "Ito na ba yung madalas mong i-kwento anak? Yun bang mayaman at magaling mag laro ng volleyball?"
Napanganga ako sa sinabi ng Nanay nya. N-Naikwento nya ko?
"N-Nay naman," iratado at nahihiyang reklamo ni Cleo. Naapatingin ako sa kanya at iniwas nya lang ang tingin nya sakin. Nakita ko pang namula ang tenga nya. Ang cute nya kapag nahihiya.
"Kita mo na anak. Basta mag paka totoo ka lang ay magugustuhan ka rin ng gusto mo. Napaka ganda mo pala talaga hija," tuwang-tuwang puri nya habang nakatitig sakin.
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...