TWENTY FIVE: COMMUTE

154 22 0
                                    

Kumain kami sa isang simpleng restaurant. Puro kwentuhan at tawanan ang ginawa namin habang kumakain. Ngayon lang ako nakakain sa ganong resto. Noon cheap ang nasa isip ko kaya ni minsan ay hindi ako tumapak sa lugar na ganon pero simula yata noong kumain ako sa karenderya ba yun?— ay nagustuhan ko na ang mga pagkaing hindi ginto ang presyo.

Iniwan ko ang kotse at sumakay sa motor ni Cleo. Ayaw pa nya sana kaya lang mapilit ako. Tinext ko ang driver namin at pinakuha iyon. Natapos ang date namin at hinatid ako ni Cleo sa tapat ng bahay. Huli na ng maisip kong baka makita kami ni Mommy.

"Hi, Mom," I greeted her while she remained silent.

"Sinong nag hatid sayo?" bungad nya sakin pag pasok na pag pasok ko pa lang ng pinto.

Panakiramdam ko ay pinag pawisan ako ng malamig. "J-Just a f-friend, Mom"

She raised her eyebrow on me at napatungo na lang ako at agad na nag paalam at sinabing di maganda ang pakiramdam ko. Nag pahatid na lang ako ng pagkain sa kwarto dahil kapag sumabay ako sa kanila ay baka i-hot seat lang ako.

+

Tapos na kong kumain. Magka text kami ni Cleo pero hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Mommy. Baka mamaya ay isipin nyang ayaw ko syang ipakilala. Nag hahanap lang ako ng timing dahil ayoko rin naman ng judgment galing sa parents ko.

Napatigil ako nang may biglang kumatok sa pinto.

"Anak, papasok na ko ha. Let's talk," boses ni Dad sa labas, I think alam ko na kung bakit. Tinago ko kaagad ang phone ko at kasabay ng pag bukas ng pinto.

"Masama raw ang pakiramdam mo?" he asked and looked at me with his concerned eyes. I just nodded kahit ang totoo ay iniiwasan ko lang ang mga tanong nila.

"Yung nag hatid sayo kanina. Is that your boyfriend?" napakurap pa ko at napalunok sa gulat. P-Paano? Did Mom tell him?

"D-Dad," kinakabahang sambit ko.

He smiled at me and nodded. "I saw it, nasa terrace ako kanina. Though hindi ko nakita ang itsura nya"

I hugged him tightly. Tears flowed down on my cheeks, pakiramdam ko ay nagtaksil ako sa kanila and worst, nag sikreto pa ko sa mismong pamilya ko. "I-I'm sorry, Dad! Sasabihin ko naman po sana k-kaagad kaso natatakot ako kay M-Mommy"

He combed my hair using his fingers. "Shh. It's okay. I told you, it's normal. Maganda ka at mabait and your off age"

I can't believe na nag tago ako ng sikreto even kay Dad. Of all people alam kong sya lang ang mapag sasabihan ko ng ganito because I trust him, I trust Mom but I know na strict sya sakin.

"I will talk to your Mom. Ipakilala mo sya samin kapag okay na ang lahat. I will support you because I love you, my princess," he assured while still caressing my back.

Dad's about to cry. I can sense it. "Thank you, Dad and I love you so much. Don't worry, di ko po papabayaan ang pag aaral"

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon