Natapos kaming kumain, nang makarating kami sa parking ay agad kong nakita na bago na nga ang kotseng nandoon. Kanina ay hinatid sa kanya ng driver nya ang sasakyan kasama ang susi nito. Sumakay kami sa kanyang itim na Mercedes at agad umalis.
"Pupunta tayo kay Tita Darlene," she announced while driving. Tita Darlene is her auntie, kapatid ni Tita Daphny na doctor.
Di na ko umapela at hinayaan sya. Nang makarating kami ay nag park si Deffi sa parking lot ng isang center. Pumasok kami at agad bumungad samin ang samut-saring posters na puro baby at tungkol sa panganganak.
Tita Darlene looked surprised nang makita kaming dalawa. "Hello mga darling! Ang agap nyo ah. Why are you here? Namiss nyo ba ko?"
"Of course, Tita we missed you, but we came here for a different reason," Deffi answered at bumaling sakin.
"Alright, what is it?" Tita Darlene asked habang palit-palit kaming tinitingnan.
"Tita can you please check her if she's … p-pregnant or not," maingat na sagot ni Deffi na ikinagulat ni Tita at agad napatingin sakin.
"And Tita, this is confidential po. We trust you that's why dito kami nag punta. Keep this a secret, please?"
"Wait," Tita Darlene paused and looked at me. "Y-You mean hindi pa alam ng Mommy mo, Eli? Of course I will keep this a secret but please tell them immediately"
I nodded and bite my lower lip. "O-Opo, Tita"
"Hindi pa naman tayo sure baka di ka naman talaga buntis, Nag pregnancy test ka na ba?" she asked.
"Hindi pa po"
"Sige, sumama ka sakin sa loob. Deffi, stay here okay?" utos nya at iginiya nya ko sa isang puting kwarto at may mga gamit pang buntis.
Inabutan nya ko ng pregnancy test kit at itinuro kung paano gamitin. "Kapag dalawang linya ay positive, kapag isa naman ay negative. Sige na, whatever the result is, please be happy"
Pumasok ako sa banyo at ginawa ang tinuro ni Tita. Ilang minuto kong ikinulong sa mga kamay ko ang pregnancy test kit matapos kong gamitin. Hindi pa ata ako handa sa magiging resulta. Napalunok ako at dahan-dahang tiningnan ang nasa palad ko. I bite my lower lip at nag uunahang tumulo ang luha sa mga mata ko. I'm happy, alright.
Kumatok si Tita kaya nag punas ako ng luha at lumabas na. I saw Tita and Deffi's worried face. I smiled and handed them the pt kit. Inabot nila iyon at tiningnan.
"It's p-positive Tita, Deffi. T-Though I'm a bit worried, I'm h-happy, very m-much," I said in between my sobs.
They hugged me. I even saw Deffi's teary eyes. "Congratulations, future Mommy! Malapit na kong maging Tita"
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...