FORTY FIVE: LEFT BEHIND

149 16 0
                                    

"Where's Eli? Have you seen her," seryosong tanong ko habang nag aabang din ng text sa phone ko.

"Hindi ko nga rin alam, Cleo eh," naiiling sa sagot nya habang tumitingin sa paligid. Napa buntong-hininga na lang ako, paanong hindi alam ni Deffi.

"B-Bakit mo nga pala naitanong? A-Ah wala ba sya sa i-inyo?" naiilang na tanong nya.

Umiling ako nag focus na sa phone ko habang nag titipa ng message para kay Eli. "Maaga akong pumasok kaya di ko alam na hindi pala sya papasok ngayon"

"Kahapon ay nakausap ko sya pero hindi nya nabanggit na hindi sya p-papasok," dagdag pa nya.

Pilit akong tumango at ngumiti. "Thanks, intayin ko na lang mag reply"

Nauna akong pumasok kaysa sa kanya dahil alam ko namang ayaw nya kong makasabay, pero di ko alam na hindi pala sya papasok. Ngayon lang sya g absent simula noong nag kakilala kami kaya nakakapag taka. Hindi pa rin sya nag re-reply at kahit ang tawag ko ay unavailable.

Buong mag hapon ay sya lang ang laman ng isip ko. Hindi ko na halos maintindihan ang tinuturo ng prof namin. Ang bigat ng pakiramdam ko, maybe I'm thinking too much. I hope she's fine.

Nang makauwi ako ay pinarada ko na ng ayos ang aking motor at dali-daling bumaba. Kahit pa ang gusto nila ay kotse na ang gamitin ko ay ayoko pa rin. Kung paano ako nagustuhan ni Eli noon ay ganon pa rin ako hanggang dulo.

I entered and saw my mother crying habang inaalo sya ni Papa. What happened? Does Eli know this? Where is she?

"Mom, what happened?" kinakabahan kong tanong at lumapit ako sa kanya bago yumakap.

Umiling lamang sya at nag patuloy sa pag iyak. What the hell's happening?

"M-May nangyari ba habang wala ako?" iritadong tanong ko na pero hindi pa rin sila nakasagot. Shit, sana naman ay mali ang iniisip ko.

Hinayaan ko munang alalayan ni Daddy si Mom at dali-dali akong umakyat habang sinisigaw ang pangalan nya. "Eli, where are you? Mom's crying downstairs"

Damn! Kakaiba ang nararamdaman ko pero binalewala ko na lang. She's in her room, she's sleeping and I'm sure of it. Kumatok ako sa kwarto nya pero nakalipas na ang ilang segundo pero wala paring Eli na nag papakita. Kaya marahan kong inikot ang doorknob at binuksan ang pinto, hindi naka lock?

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto pero kahit anino nya ay hindi ko nakita. Sa banyo, baka naman naliligo lang sya.

Marahan kong kinatok ang pinto ng kanyang banyo habang tumatawag. "Eli? You there? C'mon, speak up"

Napahilamos na lang ako dahil sa kaba na nararamdaman ko lalo pa at walang sumasagot. I was about to open the door nang makita kong nakapasok na rin si Mom na galing lang sa pag iyak.

"S-Son, wala na si Eli, she left u-us," nanginginig ang boses na sambit ni Mom.

Umiling lang ako at humarap sa pinto ng banya nya. She must be kidding me, saan naman pupunta si Eli at naiyak ng ganito si Mom? Whatever was that, imposibleng umalis Eli, lalo pa at hindi sya nag sabi sakin, hindi yun magagawa sakin ni Eli. I know her.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng banyo, but I saw nothing. Really? So it's true? She left me, huh.

"Saan sya pumunta, Mom?" kalmado kong tanong kahit pa gusto ko nang suntukin ang pader sa harapan ko. Magkapatid kami at hindi nila alam na may relasyon kaming dalawa kaya kailangan ay hindi ako dapat mag pa-apekto.

Napaiwas na lang sya ng tingin dahil sa naging tanong ko. "A-Anak si Eli kasi, s-sumama na sya sa t-tunay nyang magulang"

Para akong nabingi sa narinig ko. T-Tunay na magulang? Ibig sabihin ay—

"H-Hindi kayo tunay na mag kapatid ni E-Eli, anak"

Hindi kami mag kapatid? All this time ay akala ko— Fuck! Is true? Or am I dreaming? N-Nagawa ko syang ipag tabuyan noon dahil akala ko m-mag kapatid kami. Fuck it!

"Cleo, I'm s-sorry. H-Hindi ko gustong itago sa inyo ito. P-Patawarin mo si Mommy, p-please?" nag susumamong sambit nya. She almost kneels in front of me while crying so I held her hands at niyakap sya.  I don't know what to say. I want to blame them for keeping this but I can't, seeing her crying like this is painful. Mas matagal nilang nakasama si Eli kumpara sa akin.

Kung alam ko lang ay hindi sana ganito. Hindi na sana ako umiwas, and now wala na. S-She left me broken and unaware.

"What country? Pupuntahan ko sya," desperadong tanong ko kabit pa imposible dahil wala naman akong pera at di ko ugaling umasa sa iba pero kung para kay Eli, kahit na apakan ko pa ang prinsipyo ko ay gagawin ko. Gusto ko syang nakasama ulit, hindi ko kayang ganito.

Bumitaw sya sa pag kakayakap sakin at marahang umiling. "I p-promised to her na w-wala akong pag sasabihan kung nasaan sya. Sorry anak, pero hayaan na m-muna natin syang maging m-masaya"

Mabuti na lamang at nakakaya ko pang tiisin ang nag babadya kong mga luha kaya niyakap kong muli si Mom para hindi nya makitang sobra akong naapektuhan. Bakit parang sobra kaming pinahihirapan ng tadhana. Mahal na mahal ko si Eli pero bakit sobrang sakit? Bakit ang bilis kong iwan? Fuck.

"Nabanggit po ba sa inyo kung hanggang kailan sya roon?"

"Wala s-syang sinabi anak. I don't know, I m-miss her already. She's my d-daughter!" she cried once again at hinagod ko ang likod nya. She isn't Mom, but wait and I'll turn her into one. Magiging anak nyo ulit sya Mommy, pero hindi pa sa ngayon. O baka hindi nga kahit kailan.

"She'll be back, right?" kampanteng sambit ko kahit na walang kasiguraduhan. Dama ko rin ang pag iling ni Mommy. No Mom, babalik sya. Babalikan nya ako rito.

"She'll come back. I'll wait," marahan kong bulong. Kahit na ang isip ko ay sumusuko na, mag hihintay pa rin ako. Go on Eli, gawin mo kung saan ka masaya at mula rito ay susuportahan kita. You're the one I want, mag hihintay ako. Even if it takes forever.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon