THIRTY: NIGHTMARE

155 20 0
                                    

—Good evening. I'm sorry I was busy. Kumain ka na dyan, may inaasikaso lang ako

I texted Eli dahil halos isang buong araw din akong busy at hindi naka reply sa mga text nya. Ang alam nya siguro ay may trabaho ako pero hindi ako pumasok dahil madaling araw nang isugod ko sa ospital sa Nanay. Bukas ay baka makauwi na kami, babawi ako kay Eli, maybe we can go on a date.

I waited for her reply pero wala akong natanggap. Nakatulog na siguro sya kaagad, baka napagod sa gala nila ni Deffi.

"Excuse me, ikaw ba ang anak ng pasyente?"

Napabaling ako sa biglang nag salita sa likuran ko. "Opo doc. Kumusta na po ang Nanay ko?"

"May tubig ang kanyang baga at maging ang puso nya ay mahina na rin. She's getting weaker dahil na rin sa edad nya," kalmadong sagot ng doktor pero wala na kong naintindihan sa mga sinabi nya. Ang alam ko lang ay malubha ang lagay ni Nanay at kailangan ko ng pera para mapagamot sya.

+

"C-Cleo," mahinang tawag ni Nanay at agad akong lumapit at hinalikan ang noo nya. Namumutla na sya at kita sa kanyang mata na nahihirapan sya.

"Anak mag pahinga ka muna. Alas onse na ng gabi at kanina ka pang walang pahinga," utos nya habang pilit na inaabot ang mukha ko.

"Babantayan kita, Nay. Mag palakas ka at uuwi na tayo," pilit akong ngumiti para hindi sya pang hinaan ng loob.

"Anak, mahina na si N-nanay. B-Baka hindi ko na abutan ang mga apo ko sayo ano?" nangingiting sambit nya at bakas sa kanyang mukha ang lungkot.  "P-Pakasalan mo si Eli at mahalin nyo ang isa't isa ha"

Napahilamos ako at umiling. Ayoko ng ganito, pakiramdam ko ay iiwan na nya ko. "Nay, naman. Maaabutan mo pa. Lalakas ka pa, sigurado yan. Diba sabi ko sayo ikaw ang mag sasabit ng mga medalya ko? Malapit na"

Hinawakan nya ang pisngi ko at nakita ko ang nag babadyang luha sa mga mata nya. "Masaya ako anak at hindi kita maiiwang mag isa. I-Ibabalik na kita sa tunay mong mga magulang. Mahina na ko at g-gusto ko nang mag p-pahinga anak"

Hinawakan ko ang kamay nya at hindi na napigilan pa ang mga luha. Mas gugustuhin ko na lang na hindi makilala ang mga magulang ko kung mawawala naman ang Nanay ko.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon