FIFTY TWO: HIS WORDS

147 15 0
                                    

Di ko alam kung paanong nakakaya ko pang sumabay sa kanila mag dinner. Kumpleto kami sa lamesa, akala ko pa ay di sasabay si Cleo. Well, ako lang naman itong affected.

"How's the food, Vrai?" Daddy asked. Bumaling kaming lahat kay Vrai, maging si Cleo.

"Delicious! Papa cooked this for me too," masiglang sagot nya. He's eating his favorite chicken adobo.

"Oh, your Papa. Where is he?"

Lumingon sakin si Vrai nang nag tatanong. "Mama, where's Papa?"

"H-He's at his unit," tipid kong sagot.

Tumango naman si Mommy at nakangiting pinagmasdan si Vrai bago muling bumaling sakin. "Bakit hindi mo ipakilala samin ang asawa mo hija?"

Uminom muna ako bago sumagot. "I w-will, some other time po"

Parang may sariling buhay ang mata ko at bumaling ito kay Cleo. He's busy with his food at para bang walang naririnig. Damn Eli! What are you thinking? Of course wala na syang pakialam sayo.

"Mama, are we staying here?" tanong ni Vrai habang kumakain. Marahan akong ngumiti at umiling.

"Bakit di na lang kayo dumito muna kahit ngayong gabi lang? Delikado na mag byahe," suggestion ni Dad. Tumango na lang ako para hindi na rin humaba pa ang tanong.

"Ipapahanda ko ang kwarto nyong mag ina"

"Thanks, Mom"

Nag patuloy kami sa pagkain hanggang sa nag salita si Vrai. "Uncle, where is your son?"

Nasamid ako sa tanong nya. Shit, hindi ko akalain na mag tatanong ang anak ko ng ganon sa mismong tatay nya. I heard Mom and Dad's laughed pero mas binigyan ko ng pansin ang magiging reaksyon ni Cleo.

Huminto sya sa pagkain at bumaling kay Vrai. "I have none. Why?"

"I wanna play," nakangiting sagot ng anak ko. Gosh! They're talking to each other.

"Sabi ko na sayo Cleo, bakit hindi pa kayo mag pakasal ni Brenna at bigyan nyo na rin ako ng apo," natatawang sambit ni Mommy. Para akong nabingi sa narinig ko. So, sila na? Great, finally.

Nakitang kong bumaling sakin si Cleo at nang magkatinginan kami ay agad din syang umiwas at tumungin ulit kay Vrai. "Why not play with me instead?"

"Do you have toys in here?"

Habang tumatagal ang usapan nila ay ang sikip sikip ng dibdib ko.

"I will buy anything. Just tell me what you want," natural na sambit ni Cleo habang nag hahati ng steak.

"Mukhang maii-spoiled ang pamangkin mo, Cleo," natatawang umiling si Dad.

"I want an airplane! Mama brought me one," pag mamalaki nya kay Cleo.

"Really? How about your Dad?" may halong inis tanong nya.

"Papa brought me toys too"

Tumango si Cleo at uminom ng tubig. "Finish your food and we'll play after"

Di ko alam kung gaano kami katagal sa hapag. Nang matapos ay umakyat kami sa dati kong kwarto. Malinis pa rin pero iba na ang interior.

"Mama, play?" he asked while hugging me.

I just nodded and hugged him back. "Later baby"

Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang paligid. Maya-maya pa ay may kumatok. I opened the door and I saw Yaya Cora. "Eli, ito ang mga damit. Pinabili ito ng Mommy mo para sa inyo ni Vrai"

Kinuha ko ang hawak nya at nag pasalamat. I closed the door at nilinisan ang katawan ni Vrai. Saktong sakto lang ang damit na binili ni Mommy. Nang matapos ako maligo ay bumaba kami ni Vrai.

"Hello there, Vrai. You look so cute!" natutuwang salubong ni Mommy bago ito binuhat at iniupo sa lap nya habang nanonood sila ng TV. Nilipat pa ni Mommy ang palabas from action movie to a cartoon series. I laughed at Dad's reaction. Oh well, I'm sorry Dad.

+

Tumalikod ako sa kanila at pumasyal sa poolside. Maya-maya ay nakarinig ako ng footsteps papalapit. Nilingon ko ito and I saw Cleo. Lumebel sya sakin at tiningnan ang kulay asul na tubig sa swimming pool.

"How're your five years without me?" kalmadong tanong nya.

Nilingon ko sya kahit na hindi sya nakatingin sakin. "F-Fine. How about you?"

Marahan syang tumango at bumaling sakin. "What do you think?"

I fake my laughed and looked away. I don't know what to say.

"You left me hanging. Anong gusto mo, magpa party ako?" natatawang dugtong sya. I expected this will happen. Alam kong nasaktan ko sya ng sobra. "Speak now Eli. Gusto kong malaman kung bakit ang dali-dali sayong iwan ako"

"I h-have to," kinakabahang sagot ko.

He chuckled though I can sense that he's really mad. "Of course you have to. Mabuti at nakilala mo na ang tunay mong magulang"

I sighed. "S-Sorry"

He looked at me once again. "Sorry for what? For leaving me or for marrying another man?"

Hindi na ko nakapag salita. Ayokong sabihin na hindi naman talaga ako kinasal sa iba dahil alam kong mag tatanong lang sya.

"I don't have any romantic relationship with Brenna," he said out of the blue, I raised my eyebrow. Who asked?

"Hindi ako nag hanap ng iba habang wala ka. Wala ba akong reward?" he smirked painfully. He paused for a moment and sighed. "I really want to punch your husband's fucking face right in front of you," walang emosyong sabi nya.

"Akala ko ako pa rin. Akala ko lang pala," naiiling na sagot nya. Pinigilan ko ang nag babadyang luha sa mga mata ko. "I'm a registered police now. Malapit na rin ang promotion"

Nilingon ko sya at bahagya akong ngumiti. I'm so proud of you, Cleo. Nagawa mo, kahit na wala ako.

"Noon, pangarap lang din kita Eli. Ngayon, baka nga hanggang pangarap na lang talaga kita," sambit nya habang nakatingin sa kawalan. Napalunok ako at di ko napigilan pa ang aking mga luha. Kung nasasaktan ako, alam kong mas nasasaktan ko sya.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon