I woke up late dala na rin ng bigat na nararamdaman ko. Kung hindi lang dahil sa morning sickness ko ay hindi ako mapapabangon sa aking kama. Marahan kong hinagod ang aking tiyan. Hindi ko pa man gaanong mahawakan ay nararamdaman ko na na may naninirahang munting sanggol sa aking sinapupunan.
"Anak, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung dapat ba akong maging masaya dahil hindi kami m-mag kapatid ng Papa mo o dapat ba akong malungkot dahil ampon lang ako," mahinang bulong ko at di ko na namalayang pumatak na ang mga luha ko.
Kahit pa dapat akong magpa salamat dahil pinalaki nila ko ay parang ang bigat-bigat pa rin. Hindi ako masaya, pero kailangan kong mag pakatatag. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak ko.
Napabalikwas ako ng upo nang may kumatok at nag salita sa labas. "Eli, kakain na"
Ang mga boses na yun. Alam na nya kaya na h-hindi kami mag kapatid? Should I tell him? "Eli, I know galit ka parin sakin at ayaw mo kong makita. Don't worry kumain na ako, bumaba ka na"
I heard his footsteps slowly fading as he left my door. Napalunok ako sa narinig ko. He's avoiding me, mabuti na rin yun. May utang na loob ako sa mga m-magulang nya, hindi ko na sya dapat pang kulitin.
+
Nag ayos ako ng sarili ko. I've been so stressed these past few days at kailangan kong mag ayos. Ako pa rin si Elianna Franceska, kahit pa hindi na ako isang Del Prado. Bumaba na ako para kumain. Sana ay nandoon sila M-Mommy, I need to talk to them.
I asked Yaya nang makita ko sya pagka baba ko. "Ya, nasaan po sila?"
"Nasa opisina ng Mommy ang Daddy mo, hija. Ang Kuya mo naman ay umalis at di nag sabi kung sa—" hindi ko na pinatapos pa na mag salita si Yaya. Alam kong iniwasan ako ni Cleo. That's great.
"Opo. Kakain na po ako," pilit na ngiting sambit ko at napatango na lang si Yaya bago ako lagyan ako ng pagkain. Nagugutom na ako, mabuti na lang at hindi ka mapili ngayon anak.
Nakakailang subo pa lang ako ay nawalan na ako agad ng gana. Kapag naiisip kong di naman talaa ako taga rito ay nakakaramdam ako ng hiya. Ang pagkaing kinakain ko, hindi ko na halos kayang galawin. Hindi ko maatim na sabit lang ako sa pamilyang ito. Naaawa ako sa sarili ko.
Hindi ko na tinapos pa ang pagkain ko at tumayo na ko. I need to talk to them, gusto nang umalis dito. I'll find my Dad, iyong tunay.
I went upstairs at nag punta sa office ni M-Mommy. Marahan akong kumatok at binuksan ang pinto. Naabutan ko silang nag uusap. Marahan akong ngumiti at nag babadyang pumasok. Nakakailang na, hindi na kagaya ng dati.
"A-Ah. Pwede ko po ba k-kayong kausapin?" nahihiyang tanong ko.
"Sure, hija. Maupo ka, kumain ka na ba?" Mom asked na parang walang nag bago. Kung nakakaya nilang maging normal sa harapan ko, ako hindi. I nodded at naupo na sa sofa.
"Hindi ko na po patatagalin pa," napalunok ako sa kaba. Bahala na, I need this.
"Go on, hija. D-Do you need something?" tanong ni Dad though I can sense that he's holding back his words.
"No, Dad. Gusto ko lang na ... makita ang Papa ko," mahinang sambit ko habang nag aabang ng sasabihin nila.
Natigilan sila and I even daw my Mom's teary eyes. I'm sorry po, I need to finally see the truth. "A-Anak hindi ba masyadong m-mabilis?"
Napatungo ako. I'm sorry dad but I have to, as soon as possible. "Dad, just like me, nangungulila rin sa akin ang Papa ko. G-Gusto ko po syang makasama kahit sandali lang"
I saw how frustrated my Daddy was. "M-Mahirap para sa amin ito, Eli. I want you here in our house. You're still our only daughter"
Lumapit ako kay Daddy at niyakap sya. My tears slowly fell into his shoulder as I hugged him tightly. "I'm s-sorry Daddy, I was a failure. I'm sorry for b-being a hardheaded girl. I love you, Dad, please l-let me go po"
Marahang tumango si Dad, bumitaw ako ng yakap at tiningnan si Mommy. "Mom, please? Let me see my Papa. Hindi na bale kung hindi ako matanggap ng pamilya nya, uuwi po ako rito. After all, nandito lahat ng mga mahal ko sa buhay"
Umiliny si Mommy at naiiyak na niyakap ako. "Eli, I'm still your Mommy, okay? Unuwi ka rito, this isn't home without you, honey"
I'm gonna miss this, I'll miss them. Babalik ako, kapag kaya at handa na ako. This is my home. Hindi ko hahayaang matulad sakin ang anak ko, ayokong kagaya ko ay malunod din sya sa kasinungalingan kaya babalik ako rito. Hindi na para sakin, kundi para sa anak namin ni Cleo.
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...