TWENTY TWO: PREOCCUPIED

155 21 0
                                    

Nagising ako sa maikling pag kakatulog at agad na nag shower. Nang matapos ay bumaba ako para kumain ng dinner. Masaya kaming nag hapunan at di ko na muna inungkat ang relasyon namin ni Cleo. Ayokong makarinig ng negative comments tungkol sa kanya, nasasaktan ako kapag ganon.

+

Lumipas ang gabi at nagising ako sa text ni Cleo. May laro ulit kaming pareho ngayon laban sa DMI naman, excited na rin akong manalo.
Sana manalo na sila Cleo this time.

Hapon pa ang schedule ng volleyball girls at ngayong umaga naman ang sa soccer. Mag katabi kami ni Deffi habang nanonood sa laro nila Cleo. Wala pang may score sa kanila dahil halos kaka-simula pa lang.

"Ngiting-ngiti ka dyan ah. Anong meron Eli? Kwento ka naman!" bulong ni Deffi habang mahinang inaalog ang braso ko.

"Wala naman, wag kang magulo," sagot ko habang nananatiling naka tingin sa field.

"Siguro kayo na, ano? Hay naku, noon pa man ay kaibigan na kita. Halos sabay nga tayong ipinanganak  tapos ganyan ka, nag tatago ka nang sikreto?" naka-ngusong reklamo nya.

I sighed. Wala kong kawala eh. "Oo, kami na"

Tumili sya sa narinig at hinampas-hampas ang braso ko.

"OMG! OMG! Seriously? Hindi ka nag iilusyon lang? As in?" paninigurado nya pa.

I rolled my eyes. "Di ako ilusyunada. Kami na talaga. Itanong mo pa mamaya"

Kahit ako ay hindi makapaniwala na kami na.

"So totoo nga! Congrats girl! Finally, may boyfriend ka na! Ano nakahalik ka na ba?" biglaang tanong nya habang naka bantay sa magiging sagot ko.

N-Nakahalik? Kailangan ba yun kaagad? "Gosh, hindi 'no!"

"Ang hina mo naman! Dapat ay nag pahalik ka na! If I know, pinag papantasyahan mo sya gab—" hindi ko na sya pinatapos pa at tinakpan ko na agad ang bibig nya. Nakakahiya! Pinag titinginan na kami ng mga kalapit namin sa ingay ni Deffi.

Sinamaan ko sya ng tingin at apabaling sa field nang mag sigawan ang crowd. I smiled. One point para sa Lions.
Todo cheer kami ni Deffi lalo na kay Cleo. Agresibo sya ngayon at talagang seryoso. Pag nanalo sila rito ay may chance pa sila sa finals.

+

Natapos na ang laro nila sa score na five – two, in favor of Lions. Tuwang-tuwa si Deffi, akala mo ay isa sya sa nag laro. Hyper talaga kahit kelan.

Bumaba kami sa bleachers para sinalubong sila Cleo. Nakatanaw ako sa kanya habang pinag kakaguluhan sya ng puro mga babae'ng nag papa-picture. Napakurap ako nang bigla akong siniko ni Deffi kaya napalingon ako sa kanya.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon