THIRTY FIVE: WAR OF WORDS

165 18 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi, nagising na lang ako nang makaramdam ako ng gutom. Agad akong bumangon upang maligo, sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo rin ako pero wala akong choice kundi mag panggap na okay lang para na rin hindi sila makahalata.

Bumaba ako matapos kong maligo para makakain. Mas gusto ko na lang mag lunes kaagad para hindi ko gaanong makikita si Cleo. Hindi ko pa kaya, hindi ko pa tanggap at hinding-hindi ko matatanggap. Kumpleto na sila sa hapag pag baba ko. I need to act normal lalo na kapag kaharap ko sila Mommy.

"Good morning," I smiled at them except kay Cleo na ramdam kong nakatingin sakin pero hindi ko tinapunan ng pansin.

"Good morning, hija. Let's eat," Mom replied and smiled at me. Mabuti na lamang at hindi na nila ko tinanong tungkol sa nangyari kahapon. Alam naman siguro nilang pagod ako.

Napatingin ako sa ulam. Sinigang at Caldereta? Nananadya, tch! And this isn't for breakfast "Mom, wala na bang ibang ulam?"

"Iyan ang pinaluto ko dahil paborito yan ng Kuya mo, and I thought paborito mo rin yan? Nabanggit sakin ni Chef na gusto mo raw matutong mag luto ng Caldereta?" Mom exclaimed.

Nainis ako bigla, noon lang yun, ngayon ay ayaw ko na ng ganyang pagkain at hinding-hindi ako mag aaral mag luto para lang lutuan ang kapatid ko.

"You don't like it now? What do you want? Ipapaluto ko kay Chef," tanong ni Dad at tinawag si Chef para lumapit samin. I appreciate it Dad pero wag na lang at gutom na gutom na ako.

"Wag na po, Dad. Vegetable salad and Lemon juice will do"

Tumango si Dad at nag pahanda na kaagad kay Chef. Nag patuloy sila sa pagkain habang nag uusap ng kung ano. I glanced at Cleo at nakita kong nakatingin din sya sakin, kaya umiwas na lang ako.

Maya-Maya pa ay inilapag na ni Chef ang pinahanda ko at ininom ko ang juice ko pero may hindi ako nagustuhan. "Can you add some lemon pa, Chef? Gusto ko po ng mas maasim pa rito"

Tumango si Chef at kinuha ang juice. Napansin kong natigilan silang tatlo. Well it's normal, f-for me.

"You've changed huh, hija? I thought ayaw mo ng maasim na prutas," Mom questioned. Nag kibit-balikat lang ako at nag kunwaring walang ibig sabihin lahat.

"Well, people change, Mom. Lahat nag babago, marker na lang ang permanent," I chuckled and glanced at Cleo and he looked pissed.

"Oh well, you're right anak. Finally, you've grown. Did your so-called-boyfriend broke up with you?" natatawang tanong ni Mom. I just shrugged and faked my smile.

"Elis, hindi ba ay napag usapan na natin to? Let her explore and fall in love," kalmadong sabat ni Dad at sinamaan ng tingin si Mommy.

"It's okay, Dad. I don't need boys. Boys need me. And besides, I learned from my lessons. It's my ba— I mean mas priority ko ang sarili ko ngayon," I faked my laughed at bumaling sa pinggan ko. Too close! I really need to filter my words first.

"That's good, anak. How about you, hijo? I'm sure you have a girlfriend," Dad predicted.

Napalingon ako kay Cleo. Tumingin muna sya sakin withouth emotion bago bumaling kay Dad. "Meron po"

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon