THIRTY FOUR: REVEALED

159 18 0
                                    

Nag daan ang mga araw at hindi na kami ulit nag usap ni Cleo. Nailibing na rin si Nanay at hindi ako pumunta. Bumalik na sya sa school after that, nag kaka-salubong kami pero agad din akong umiiwas. I can't stand seeing him knowing the fact na binalewala nya lang, he's not doing any efforts manlang para mag kaayos kami.

Habang tumatagal ay nahihirapan na rin ako sa pag bubuntis ko. Kakatapos ko lang sa check-up ko kay Tita Darlene at binigyan nya ako ng iilang supplements at pinayuhan na iwasan ang ma-stress.

"Alam ba ng Tatay ng bata na buntis ka, hija?" tanong ni Tita habang pinakikinggan ang heartbeat ko using her stethoscope.

"Hindi po, Tita," nahihiyang sagot ko.

She sighed and nodded. "Mas mabuti siguro kung alam nya para matutukan ka. Magiging mahirap ito para saiyo lalo pa at hindi pa ito alam ng mga magulang mo. Eventually, makakaramdam ka na rin ng changes sa katawan mo, including baby bumps"

"Don't worry, Tita. I will help her. Di na kailangan ng Tatay ng bata. Uso na po ang single Mom," Deffi laughed at napa ismid na lang si Tita.

+

Umuwi na ko kaagad after the check-up, mamaya na rin kasi ang dinner namin with my brother at mamaya ko na rin sasabihin ang tungkolnsa baby. Dala ng pagod kaya naidlip muna ako tutal ay maagap pa naman.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok ni Mommy sa pinto. "Elianna! Aalis na tayo mamayang six. Gumising ka na dyan at mag handa"

"Yes, Mom. Maliligo na po ako," sagot ko at dahan-dahang bumangon.

It's five o'clock at nagsimula na kong maligo at mag bihis. I wore my simple yet elegant emerald dress and paired with my expensive flats. I tied my hair up at nag iwan ng kaunting hibla sa tig kabilang side.

Bumaba na ko and I saw Mom and Dad na halatang excited na at pinaghandaan talaga ang dinner namin.

Sa kotse ay hindi mapakali si Mommy. "Darating kaya sya?"

I looked at her and tilted my head. "Hindi po nya nasabi?"

"Sinabi nya lang na susubukan nya. I hope makapunta sya"

Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant at iginiya kami sa reserved area namin, pinili kasi ni Mom na pribado ang aming dinner. Naupo kami at umorder. Nag intay kami ng ilang minuto pero wala pang Simon na nag papakita.

Inihain na ang appetizer at nag simula na akong kumain. Samantalang hindi pa nila ginagalaw ang kanila.

Nakaramdam ako ng hiya bigla, baka isipin nila ay wala akong pakialam kay Kuya kaya tumigil ako at tinanong si Mommy. "Mom, do you think he'll come?"

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon