THIRTY TWO : COLD AS ICE

161 20 0
                                    

It's Monday morning at tinatamad akong pumasok dahil inaantok pa ko pero ginising na ko ni Mommy kaya napilitan akong bumangon at maligo.
Sa tuwing bumabangon ako ay napapadalas ang pag duwal ko. Mabuti na lang at umaalis na si Mommy sa kwarto pag katapos nya kong gisingin.

Cleo texted me, hindi raw sya makakapasok dahil walang mag aasikaso sa kanila. Naiintindihan ko naman, ayokong ipagkait ang ilang araw na makakasama ni Cleo ang Nanay nya. Alam kong yun na ang huli.

Sumabay ako kay Mom and Dad sa pagkain, hanggang ngayon ay nag iisip pa rin ako kung kailan ko ba babanggitin ang tungkol sa baby ko. Alam kong mahahalata nila ito kalaunan kaya kailangan ko na mag isip.

"Oo nga pala, hija. Gusto ko sanang mag dinner tayo sa labas this coming Saturday," she proposed, I was shocked. Ngayon na lang ulit ito mangyayari kung sakali. "And I want to formally introduce to you your long lost brother. What do you think?"

That's great, pag katapos ay sasabihin ko na rin sa kanila ang kondisyon ko. Sa harap nila mismo kasama si Kuya. "Great. And Mom, Dad. M-May sasabihin din po ako sa inyo sa gabing yun"

Tumango silang pareho. Sana maging maayos ang lahat. "Sige, hija. I'm so excited!"

Me too, Mom. I need to prepare my self, alam kong hindi nila matatanggap ang sasabihin ko.

+

Pag dating ko sa classroom ay nakita ko si Deffi na nakaupo na at busy sa phone nya. Ang agap nya naman?

"Good morning, Deffi. You're early," I greeted behind her.

Nilingon nya ko at hinalikan ang pisngi ko. "Of course. How are you?"

"I'm good. May dinner kami this coming Saturday with Kuy Simon of course," simpleng sambit ko at naupo na.

"Really? Good luck, then. How I wish my Kuya rin ako," she rolled her eyes and pouted. An only child feels.

"Sa Saturday ko na rin sana sasabihin ang tungkol sa b-baby," bulong ko habang bahagyang tumitingin sa paligid. Mahirap na, baka mamaya ay may makarinig at malaman kaagad nila Mom. I'm not yet ready.

"How about Cleo? Dapat ay sabay kayong mag sasabi nyan sa parents mo. I mean, para naman isipin ni Tita na sincere talaga sya," she whispered back habang nag aayos ng contact lens nya.

Yun din sana ang gusto ko. Kaya lang hindi pabor si Mom sa ideyang boyfriend but then, I'm sure she'll accept him eventually. He's my child's father so they have to.

"Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin sa kanya," I shrugged at sumandal sa upuan. May pinag dadaanan pa sya ngayon at ayokong makisabay pa.

"Sabihin mo na. I'm sure matutuwa yun," she assured and smiled at me. Sasabihin ko na rin kaya sa kanya bago mag Saturday, kapag may pagkakataon. Bahala na.

+

Lunch break na at kumain kami ni Deffi, she ordered a box of pizza for me at nag simula na kong kumain. Ano kaya ang ginagawa ni Cleo ngayon? I called him pero hindi sya sumasagot. I dialed it again at nakapatay na ang phone nya.

"Hindi sinagot?" tanong ni Deffi habang pinag mamasdan ang ginagawa ko.

Umiling ako at sinubukan ulit syang tawagan. "Pinatayan nya ko ng phone"

"Parang bago yan ah? Usually, kapag tumatawag ka ilang ring pa lang ay sinasagot na nya," nag kibit-balikat sya at bahagyang sinilip ang phone ko.

I pouted and nodded while still trying to contact him. Nag text na rin ako para mabasa mamaya. I hate how my mind works, I'm over thinking again.

"Don't think too much though. Baka naman busy lang"

"Kahit naman busy sya noon ay sinasagot nya pa rin ang tawag ko," I frowned and eat my pizza.

"Hayaan mo na muna. I'm sure mamaya ay sya pa ang tatawag sayo"

Simula noong umuwi ako kahapon ay hindi na sya nag te-text at ang huling text nya ay kanina pang umaga. Napaka plain pa at halatang walang gana.

+

Lumilipad ang isip ko habang nasa klase. Kung hindi pa ako tinawag ng prof para sumagot sa recitation ay hindi pa ko babalik sa katinuan.

Natapos ang klase at umuwi na ko. Habang nasa kotse ay sinusubukan ko paring tawagan si Cleo pero nag ri-ring lang at hindi nya sinasagot. I even texted him kaninang lunch at ngayong nakauwi na ko. Naupo ako sa kama ko at sinubukan ulit na tawagan sya.

After ng ilang ring ay sinagot nya na rin, finally.

"Cleo! I've been calling you many times at pinapatayan mo lang ako. Nag text din ako pero" inis na bungad ko pero hindi na nya ko pinatapos.

"I'm busy"

Yun lang? How lame. "I know alright? Sobra bang nakaka abala ang pag sagot sa tawag ko?"

"Please, Elianna. Wag ngayon. Marami akong iniisip at—" hindi na nya tinapos pa, narinig ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya at m-maging ang b-boses ng isang babae. "Cleo, halika na kakain na tayo! ..."

I-Is that B-Brenna? Napalunok ako at pinigilan ang nag babadyang luha sa mga mata ko. So, all this time he's with Brenna. Doing what? Comflirting each other? Damn. Cleo naman, I'm carrying your child.

"Kakain na raw kayo," pilit na siglang sagot ko, sinikap kong wag ipahalata ang pait sa boses ko. I get it, hindi ako ang kailangan nya ngayon.

"Yeah, end this call now," tamad nyang utos.

Hindi na ko nag salita pa and ended the call before I burst out all of my anger and tears. Iyon na ba yun?

Pakiramdam ko ay tinapakan ang pagkatao ko. He's damn cold pag sa akin, what's wrong? Ako ang girlfriend pero ako itong nang lilimos ng oras nya. Alam kong busy sya at nasasaktan ngayon, kaya nga gusto ko sanang damayan sya pero grlfriend lang ako, at hindi ako ang kailangan nya.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon