Maaga akong nagising kahit na napuyat ako kagabi kakaiyak. Alam kong masama yun para sa baby ko pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Wala rin akong ganang kumain pero kailangan kaya kumain ako kahit konti.
Hindi na ko gaanong tinanong nila Mommy kaya maaga rin akong naka dating sa school. Wala pa si Deffi so I checked my phone first, baka may text si Cleo but I saw nothing. Walang text manlang galing sa kanya, really? Natitiis nya ko samantalang ako ay hindi mapakali kapag hindi sya nakakausap. Idagdag pa na kasama nya si Brenna, ayokong mag isip ng masama pero hindi ko maiwasan.
"Good morning, Eli. How are you?"
Napalingon ako sa bagong dating na si Deffi. "You looked stressed! Look at your eyebags dapat ay hindi ka nag pupuyat, ano ka ba!"
I just shrugged. Wala talaga ako sa mood makipag usap.
"Did you cried?" she speculated so I just shook my head. Ayokong mag alala pa sya sakin.
"But you looked like one"
"Don't worry," I smiled and looked at her with assurance.
"Oo nga pala, bukas na ang libing ng Nanay ni Cleo, ano?" she asked. Bukas na? Masyadong atang mabilis?
"I don't know. Walang nag sabi sakin," I shrugged and faked my smile. Hindi manlang binanggit ni Cleo sakin kagabi. Ganon ba talaga sya ka ayaw na kausapin ako?
"Talaga? I thought nasabi sayo ni Cleo?"
Umiling ako at bumuntong hininga. "Di kami okay ngayon. He's damn cold"
"That's why you cried? You know what, don't stress yourself. Kapag nailibing na ang Nanay nya ay siguradong babawi yun," pangangaral nya. I hope so. "Wait, bakit hindi ka pumunta sa kanya? Mag usap kayo at ng maayos nyo na kaagad"
Nabuhayan ako ng loob, right. Hindi dapat ako mag patalo sa mga negative thinking ko. I'm the girlfriend, may karapatan ako. "Samahan mo ako mamaya, Deffi"
+
Nang matapos ang klase ay agad akong nag ayos at sumakay na sa kotse ni Deffi. Sasakyan nya muna ang gagamitin namin at ipinakuha ko na lang sa driver namin ang sasakyan ko. Tinuro ko kay Deffi kung saan ang chapel na pinag lalagyan ni Nanay, pinarada nya ang kotse at bumaba kami.
Nag dadatingan na ang mga tao dahil malapit na rin mag gabi. Pumasok kami at nakita namin ang iilang kakilala. Nariyan din ang mga ka-team nya sa soccer.
Lumapit kami ni Deffi sa isang babaeng may katandaan na. "Excuse me po, nasaan po kaya si Cleo?"
"Nandoon sa likod, ineng. Puntahan mo na lang"
Tumango ako at lumingon kay Deffi. "Sige na, Eli. Dito lang ako mag iintay. Take your time"
Nag lakad ako hanggang sa makarating ako sa likod ng chapel. Malayo pa lang ako kay dinig ko na ang tawanan kay hindi na ako nag atubiling lumapit.
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...