It's almost evening nang magising muli ako dahil pagkatapos kong kumain ng pizza ay inantok ako bigla. Gosh, baka tumaba ako masyado.
I decided na bumangon na at mag ayos na for dinner. Sasabay ako sa kanila dahil bukas ay aalis na ko. Naisip ko ang pag aaral ko pero hahayaan ko na lang si Mom— ang mama ni Cleo na lang ang umayos noon. Sa kalagayan ko, hindi na safe kung mag aaral pa ko. Maaari siguro matapos kong manganak.
Naupo ako sa dining area at hinayaan si Yaya na mag lagay ng pagkain para sakin. We're about to eat. Really? Hindi kami k-kumpleto.
"D-Dad, where's Cleo?" maingat na tanong ko.
"Kumain na ang kuya mo, hija. Mag papahinga na raw sya at may pasok pa bukas," sagot ni Dad habang nag lalagay ng pagkain
Mabuti naman para malaya akong makapag tanong lalo na at aalis na ko.
"M-Mom," tawag ko habang nasa kaligtanaan ng pag kain. She looked at me with her sad eyes. "C-Can you do me a favor?"
"Sure, hija. W-What is it?"
"I'm leaving po and about sa pag aaral ko po ah—" hindi ko na tinapos at nahihiyang tumingin sa kanya.
Marahan syang bumuntong hininga at bahagyang ngumiti. "Sige anak, n-no problem"
I nodded at naalala ko ulit sila Deffi. "M-Mom, please wag nyo na lang po banggitin ito kay C-Cleo o maging kay Deffi"
Bagama't nagulat ay pumayag din naman sila. We did everything para lang kahit papaano ay makabawi sakin.
"W-Where can I find my D-Dad po? Can I, at least have his info?" I asked once again.
"Primo Rios. He's somewhere in Marseille and he owned a company named RRE," sagot ni Dad at huminto. "Rios' Real Estate. Madali lang hanapin yun, anak. Mayaman si Primo, at s-sigurado akong mabibigyan ka nyan ng magandang buhay"
Marahan akong tumango. My Papa's in Marseille samantalang pabalik-balik na lamang ako doon. Kaya ba I feel complete every time na nagagawi ako ng Marseille?
Tinapos ko na ang pagkain at umakyat na sa kwarto ko. I opened my desktop and researched more regarding his business. A real estate, so it involves real property. Hinanap ko kung saan matatagpuan ang RRE at lahat ng impormasyon ay sinulat ko. Gustuhin ko man na makita ang itsura ng Papa ko para sana madali ko syang mahanap ay nabigo ako. He's too private.
I booked a last-minute flight, I didn't mind the price dahil ang gusto ko ay makaalis na ko kaagad. Bukas na ang flight ko paalis and it takes 14 hours bago ako makarating doon.
I sighed habang nakatingin sa ceiling ng kwartong nakalakihan ko na. Mabuti na lang at may pasok na sa school bukas, hindi na ko mahihirapan kapag nakita ko ulit si Cleo.
Maaga akong nakatulog at maaga rin akong nagising. Nine in the morning ang flight ko so I decided to take a bath and fix myself kahit na it's just six pero hindi na muna ako bumaba ng maagap dahil sigurado akong nandoon pa si Cleo.
Matapos akong mag ayos ay naupo muna ako sa aking kama. Parang kahapon lang ang saya-saya ko pa. Ngayon, iiwan ko na ang lahat. I need to sacrifice my temporary happiness to have the permanent one. I hate goodbyes kaya, sana magkita tayong muli, Cleo. Kapag tama na ang panahon, sana ako pa rin.
+
It's seven in the morning when I decided to eat my breakfast. Nang makababa ako ay wala na si Cleo pero sila Mommy ay nasa sala. I greeted them like how I did weeks ago.
"K-Kumain ka na, hija," Dad approached me and I nodded at nag simula nang kumain. I need to eat more, malayo pa ang pupuntahan ko. Nang matapos ay nag ayos ako at muling bumaba. Ang mga gamit ko ay pinakuha ko na mula sa kwarto.
Lumapit ako kay Mommy and I hugged her really tight. "I-I'm leaving"
"I can't let you go, hija. I c-can't, Mom will m-miss you," she hugged me back at umiyak sa akin. Pinigilan kong tumulo ang nag babadya kong luha at marahang hinagod ang likod ni Mommy.
"I have to. T-Thank you Mommy and Dad for taking care of me. I will never forget this, this is my home. Babalik po ako k-kapag maayos na ang lahat," I said and tried to smile kahit na naiiyak na ko. Bumitaw ako ng yakap at bumaling kay Daddy na nakatingin sa malayo. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"I love you, Dad. B-Babalik po ako," Naluluha kong sabi. He hugged me tight and kissed my head.
"Eli, I know sanay ka na mamuhay sa ibang bansa pero please, be good alright?" he reminded and I just smiled and nodded. Bumitaw na ko sa pagkakayakap at nakita ko ang aking mga gamit na isinasakay na sa kotse dahil mag papahatid ako kay manong hanggang airport. I even saw Yaya and chef na naluluhang nakatanaw sa akin at napangiti na lamang ako.
"I'll go now," I sighed at marahang tumalikod. Tatlong hakbang bago ako makasakay ng kotse. Tatlong hakbang bago mabago ang lahat-lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...