EIGHTEEN: INTER-HIGH

170 22 2
                                    

Simula na ng inter-high ngayong araw. Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw at ngayon din kami naka schedule para maglaro. Noong nakaraang inter-high ay sa school namin ginanap kaya ngayon ay sa kalaban naming school naman gaganapin para hindi bias.

Kumain na ko mag isa, hindi ko kasabay sila Mom and Dad dahil maagap daw umalis kasi may inaasikaso. As usual. Hindi pa ako nag bihis ng aming uniform para sa laro. Mamaya na dahil sabi ni Coach ay may isang training pa bago lumaro.

+

Nine pa ng umaga ang schedule namin pero alas syete ay nakarating na ako sa school namin. Walang tao rito maliban sa mga iilang players na nag me-meeting.

"Hindi ko na kayo pinapunta ng maagap sa Dr. Manuel Institute dahil opening pa lang naman. Di na mahalaga yun," panimula ni Coach.

Nag text din sakin kanina si Deffi na may opening pa nga raw.

"Ikaw Fuentes, sana naman maayos ka na ngayon sa court," sambit ni Coach bago huminto at humarap sakin. "At ikaw Del Prado, palitan mo si Fuentes. Baka mamaya ay puro outside na naman ang tira, nakakahiya"

Tiningnan ko kung mag rereklamo si Noimie pero tumango lang sya kaya napatango na rin ako.

"Then the rest, alam nyo na ha. May tiwala ako sa inyong lahat. Kaya makakaasa ba ko?"

"Yes, Coach!" sigaw namin at nag patuloy sa pag wa-warm up.

Nag warm-up lang kami at pagka tapos ay pumunta na sa DMI. On the way na kami nang mag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko at bumungad ang text ni Cleo.

Good morning, good luck sa game. Manonood ako

Nandoon na siguro sya. Ang alam ko mamayang hapon ang laban nila at balita ko rin ay magagaling ang mag kalaban.

+

Nakarating na kami sa DMI at dumiretso na sa court. Ang daming tao sa paligid at puro hiyawan ang naririnig ko. Ang daming nag che-cheer para sa DMI, syempre home court. Pero hindi mag papatalo ang cheering squad ng school namin at ng Arcellana College.

Nag lakad kami sa court at natanaw namin ang kabilang team. Arcellana College ang kalaban namin ngayong araw, mukha silang magagaling. Ngayon na lang ako lalaro ulit kaya talagang kinakabahan ako.

Pinaliwanag samin ang mga rules ng volleyball pati na rin ang scoring. Ang maunang maka 25 points ay panalo na, tatlong sets ang kailangan. Puro hiyawan sa paligid pero lumilipad ang isip ko.

Natigilan ako nang lapitan ako ni Noimie. "Kinakabahan ka ba?"

Halata na ba?

"No," tipid kong sagot.

"Kinakabahan din ako don't worry. Ganito na lang, pag nanalo tayo titigilan na kita," she said habang nakangisi sakin. As if naman may pakialam ako.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon