[MATURE SCENES AHEAD, READ AT YOUR OWN RISK]
"Halina kayo, tapos na ko mag luto. Kakakain na"
Nag bitaw kami sa yakap at pinunasan ang mga luha namin at mahinang tumawa. Lumabas na si Cleo sa kusina at tiningnan kaming pareho. Nginitian ko na lang sya at inalalayan na nya si Nanay.
"Anak naman, kaya ko pa," natatawang puna ni Nanay pero hindi ito pinansin ni Cleo.
Naupo kami sa hapag at nag simula nang mag salin si Cleo ng pagkain sa pinggan ko. Marunong pala syang mag luto.
"Natagalan ako sa pag luluto dahil ang tagal lumambot nitong karne," kunot noong reklamo nya at tumango na lang ako at nag simula nang kumain.
"Calderata ito hindi ba?" tanong ko. Kamukha kasi nito ang niluto ni Chef Jean noon.
"Menudo ito anak," nakangiting sagot ni Nanay sa tanong ko. Menudo? Bakit ganon, kamukha nya yung Caldereta?
"Bakit mag kamukha sila ng C-Caldereta?" mahinang tanong ko habang ginagalaw-galaw ang piraso ng karne.
Napa ubo si Cleo at napainom ng tubig. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Nanay.
"Mag pinsan sila," natatawang sagot ni Cleo.
Lalong natawa si Nanay sa tugon ni Cleo. Pilosopo! I rolled my eyes at kumain na ulit. Humalakhak pa si Cleo at sinalinan ako ng inumin. Tuwang-tuwa talaga sya kapag napapahiya ako.
+
Natapos na kaming kumain at pinainom na ni Cleo ng gamot si Nanay. "Mag papahinga muna ako sa kwarto mga anak ha. Nakakaantok ang gamot na iyon"
Tumango na lang ako at inalalayan sya ni Cleo papasok sa isang kwarto. Habang ako naman ay naupo sa upuan nila. Napabaling ako nang makita kong lumabas na si Cleo sa kwarto ni Nanay.
"Matigas masyado ang upuan namin. Halika rito, dun tayo sa kwarto ko," seryosong sabi nya. T-Teka, kwarto nya? Napalunok ako at nag iwas ng tingin, a-anong gagawin namin sa k-kwarto nya?
"Mauupo ka doon sa kama ko habang maliligo naman ako. Wag kang mag isip ng kung ano dahil di ko gagawin yun, unless gusto mo," he teased and laughed at pumasok na sa kwarto nya.
Nakahinga ako ng maluwag at nag lakad na rin papasok ng kwarto nya. Kainis si Deffi! Kasalanan nya kung bakit ganito na ko mag isip. Pumasok ako at sinara ang pinto. Naabutan ko syang naka boxer lang at may tuwalya sa balikat nya. Napataas ako ng kilay at nag iwas ng tingin. Ang kapal nyang akitin ako ng ganito— I-I mean, b-bakit sya naka boxer lang?
Lumingon sya sakin at nakita tiningnan nya ko ng nakakaloko. Agad ko syang tinalikuran dahil sa kahihiyan. "B-Bilisan mo na at m-maligo ka na nga!"
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...