Pinagmasdan ko pa sya ng ilang sandali and my eyes widened when I saw Brenna. Hanggang dito ba naman? Ano naman ang ginagawa nya dito?
Nakita kong may inabot sya kay Cleo. A paper bag? I raised my eyebrow. Really? I saw how Cleo smiled at her. Kahit malayo ako ay alam kong tinutukso sya ng mga ka-trabaho nya. If that's for lunch, well I can buy tons of it. Iyong mabubusog silang lahat. Hindi kagaya ng kung anong dala ni Brenna.
Maya-maya pa ay nagkayayaan na silang maupo sa isang tindahan na may ilang mga lamesa. Looks like doon sila kakain. What's that place? A mini restaurant?
Nag crave akong bigla. Kung bakit pa kasi mas pinili ko pang manood sa mga taong to kaysa mag punta sa dapat kong puntahan.
I took a deep breath and open my car. Bahala na, I want to eat too. Hindi naman siguro masama yun. Sa nakikita ko, mukhang madalas sila doon kaya I think safe ang foods na sine-serve nila.
This is gonna be my first time to eat in a place like this. Bumaba ako sa kotse ko. I walked elegantly wearing my not so expensive dress. Just a hundred and thousand.
Nakita ko kung paano lumingon ang mga tao sa piligid ko. Kalma, ako lang ito. I really wanna smile to those people na nakatingin sakin but my tummy doesn't want to cooperate. I'm so hungry.
Nakakahiya na makita nila ko dito kaya hindi na lang ako mag papakita sa kanila. Baka mamaya isipin nila na stalker ako. No way!
Nasa bungad pa lang ako ay kita ko na kaagad kung saan ako pupwesto. Nagtatawanan sila kaya hindi nila ko mapapansin. Bakit ko ba ito ginagawa? Eli! Damn, what's in your head?
Naupo sa pinakang dulo at isang lamesa ang pagitan ko kila Cleo. Mabuti na lamang at may nakaupo sa gitna namin. Nilapitan ako ng isang matandang babae. A waitress? Bago ko pa mapagmasdan ang babae ay napatingin ako sa gawi ng katabi kong lamesa. Gosh! Tapos na sila! Inayos na nila ang pinag kainan nila at umalis. Kitang-kita na ako dito at malamang kapag nag salita ako ay mapapalingon sila sakin dahil hindi naman ganon ka layo ang bawat pagitan.
"Ineng, anong order mo?"
Mabuti na lang at nakatalikod sa gawi ko si Cleo at Brenna!
"Ineng"
Napabaling ako sa harapan. Oo nga pala, teka anong o-order-in ko? "A-Ah. D-Do you have chicken cordon bleu?"
Napakurap ako nang napansin kong ang sumasa-ereng tawanan ay natigil. What's wrong? Bakit tumahimik?
"Hija, hindi ko alam kung anong pagkain ang sinasabi mo. Pero meron kaming adobo, Bicol express at sinigang," naguguluhang sagot naman ng matandang babae. Oh my gosh, nakakahiya. Di ko naman alam na they only serve Filipino foods.
Hindi ako makatingin sa gawi nila Cleo dahil alam kong sa mga oras na ito ay nakatingin sila sakin. Anong oorderin ko?
"Ano ineng, oorder ka ba? Nakakaabala ka, marami pa kong aasikasuhin," mataray na tanong nya.
Umiling na lang ako at pilit na ngumiti. Napahiya na ko kaya mabuti pang umalis na lang.
"Hindi ka naman pala o-order. Inabala mo pa ako. Hay naku! Mga kabataan talaga," naiiling ng litanya nya.
BINABASA MO ANG
Life After Lies
RomanceCOMPLETED // UNEDITED "Telling lies to protect someone you love will only destroy them in the end." Sa dagat ng kasinungalingan, magagawa mo pa kayang maka ahon? O mag papadala ka na lamang sa hampas ng alon? Paano kung mawala sayo ang nakasanayan...