THIRTY ONE: FORGIVENESS

144 21 0
                                    

Nagising ako sa mga katok sa pinto ko. Gusto ko pa sanang matulog kaya lang meyo nagugutom na ko.

"Eli, kakain na. Hindi ka kumain kagabi," tawag ni Yaya sa labas. Si Yaya ang gumising sa akin, siguro ay masama ang loob sakin ni Mommy ganon din siguro si Dad.

"Opo, bababa na ko"

Pag bangon ko ay nakaramdam na kaagad ako ng hilo at para akong nasusuka. Kaya dali-dali akong tumakbo papuntang banyo at inilabas lahat. Hinang-hina akong tumayo at hinawakan ang kumikirot kong ulo. Ang sabi ni Tita Darlene ay normal lang daw ito, morning sickness ang tawag.

Naligo na ko at bumaba para kumain, nagugutom na ko. Pag baba ko ay walang naka upo sa dining table.

"Yaya, nasaan po sila Mommy?" nag tatakang tanong ko.

"Halos kakaalis lang din, hija. May importante raw na pupuntahan"

Na naman? Siguro ay tungkol sa nawawala kong Kuya. Binalewala ko na lang at naupo na sa hapag.

"Yaya, gusto ko po ng cheese flavor na ice cream para sa dessert," maingat na sabi ko para walang mag duda.

"Sige, hija at papabilhin ko muna si Mang Lando"

Tumango ako at ngumiti bago nag simulang kumain, parang kailangan kong mag exercise dahil siguradong tataba ako sa dami ng kinakain ko. Parang palagi akong gutom.

+

Naupo ako sa veranda at kumain ng ice cream. I checked my phone pero text lang ni Deffi ang nakita ko. Sobrang busy ba ni Cleo? I tried to call him pero pinapatay nya lang. Ngayon nya lang ako pinatayan, what's happening?

Nang maubos ko ang ice cream ko ay pumasok na ko sa kwarto at nahiga. Halos kakagising ko lang ay dinadalaw na naman ako ng antok. Umidlip ako at nagising sa pag vibrate ng phone ko. I checked it and I saw Cleo's name on my screen. Napaupo ako sa gulat. He's calling! Sinasabi na nga ba at hindi nya ko matitiis.

"Hello, Cleo"

"Where are you?" he asked in a monotonous way. Nag taka naman ako, usually ay mag go-good morning muna sya. Well, baka pagod lang.

"Nasa bahay lang, bakit?" I answered.

"Let's talk. Mag kita tayo sa park," he said firmly. I was about to answer pero binabaan nya ko kaagad. This is not good. Anong nangyayari?

Nag bihis ako at kaagad sumakay sa kotse. Wala pa sila Mommy kaya kay Yaya na muna ako nag paalam.

"Ya, paalis lang po ako sandali," paalam ko habang inii-start ang sasakyan.

"Hindi mo na ba iintayin ang Mommy at Daddy mo? Pauwi na raw sila," naguguluhang tanong nya.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon